Capitulo Doce

5.9K 241 5
                                    

Dedicated to Min_Mee

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜

*****

Patria's POV

Sa ilang bwang pag stay ko sa panahong to, Unti unti na akong nasasanay sa lalim ng pananagalog.

Narito ako ngayon sa pamilihan. Naisipan ko kasing mamili ng iba't ibang klase ng pagkain na maaari kong ibigay kila Ka Pedring. Naalala ko kasi ang sinabi ni Julian na nung una raw ay duda di sa kanya si Ka Pedring. Kaya naman naisipan kong magbigay ng Peace Offering baka sakaling tumalab sa kanya.

Namili ako ng Iba't ibang klase ng prutas katulad na lamang ng mansanas, ubas, orange at strawberry. Namili din ako ng mga isda at mga pagkain para sa mga bata. Katulad ng chocolate at biscuits. Bumili din ako ng mga papel at tinta. Napag alaman ko kasi kay Julian na bibihira raw ang mga nakakapag aral na babae sa panahong ito. Namili rin ako ng mga tsinelas nila dahil pansin ko na ang karamihan sa kanila ay naka paa lang.

Pagkatapos kong mamili, dumeretso na ako sa mga pampasaherong kalesa. Hindi ako nagpahatid kay Anastacio kasi baka malaman ni Ama. Pinaalam ako ni Julian sa kanya kaya naman pumayag sya na lumabas kami. Ang buong akala ni Ama ay ililibot lamang ako ni Julian sa kanilang Hacienda. Ngunit hindi nya alam na may pupuntahan talaga kami. Napag usapan namin ni Julian na magkita na lamang kami sa dulo ng bayan ng Sto Rosario

Nang malapit na kami sa dulo ng bayan, Natanaw ko na ang kalesa nila Julian. Ipinahinto ko sa tabi ng kalesa ni Julian ang naupahan kong kalesa nang sa gayon ay hindi na ako mahirapan pang maglipat ng mga pinamili ko

Agad naman akong sinalubong ni Julian at tinulungang magbuhat ng mga pinamili

Agad din kaming nakarating sa lugar nila Ka Pedring

"Oh Ginoong Julian, bakit kayo naparito?" Tanong sa amin ni Antoñito
"Maaari mo ba akong tulungan sa pagbubuhat ng mga pinamili? May karamihan ang mga iyon kung kaya't nais kong humingi ng tulong" Agad namang napatango si Antoñito at dali daling pinagkukuha ang mga pinamili sa kalesa

"Kay dami ng mga ito Ginoo. Pasalubong nyo nanaman po ba ito sa mga bata?" Dagdag pa ni Antoñito. Samantalang si Julian ay ngumiti lang

At doon ay sinamahan kami ni Antoñito sa centro ng kanilang lugar

"Ginoong Juliaaaan!" Sigaw ng mga bata. Nilapag ni Julian ang mga hawak nya at saka kinarga ang pinakamaliit na batang sumalubong sa kanya

"Ginoo, akala ko po ay iniwan mo na kami. Ang sabi kasi ng binibini, umalis ka raw at nagtungo sa Europa" Litanya ng isang bata. If I'm not mistaken, sya yung batang nagtanong sa akin noon kung nasaan si Julian

"Hindi Lucing, hindi aalis ang kuya nyo. May kinailangan kasi syang balikan" Sabay tingin sa akin ni Julian. Tinaasan ko sya ng kilay at binigyan sya ng "Anong-nililingon-lingon-mo-jan" Look.
Napangiti lang sya at napailing. Napairap nalang ako sa inasta nya

"Julian, bakit naparito ka? Ang buong akala ko ay nagtungo kana sa Europa?" Nagtatakang tanong ni Ka Pedring. Kahit hindi sya tumitingin sa akin ay nakakaramdam pa din ako ng takot dahil dun sa Last Encounter namin.

"Ahh.. Tama kayo Ka Pedring, Magtutungo sana ako sa Europa ngunit nang nasa Maynila na ako ay pinadalhan ako ni Ama ng liham. Hindi ako pinatuloy ni Ama sapagkat nais nyang dumalo sa gaganaping ika-labing walong kaarawan ni Binibining Patria. Si Ama raw ay nakatanggap ng imbitasyon mula kay Don Hidalgo" Nakatitig lamang si Ka Pedring kay Julian at hinihintay ang susunod nyang sasabihin. Tama si Julian. Nagpakalat na nga ng imbitasyon si Ama dahil sa susunod na linggo na ang birthday ko

"At....May gusto sanang ipamahagi ang Binibini" Napalunok ako nang lumingon sa akin si Ka Pedring at napalingon sa dala ni Julian at Antoñito

"Ano ang mga iyan?" tanong ni Ka Pedring

"P-para sa inyo ang mga yan" Isa isa namang tinignan ni Ka Pedring ang mga laman

"Hindi ko matatanggap ang mga iyan. Maaari ka ng umalis" walang gana nyang tugon.
Hahakbang na sana sya palayo ngunit pinigilan ko sya

"Maaaring hindi nyo nga tanggapin ang mga ito, Ngunit hayaan nyo sanang ipamahagi ko sa mga bata ang mga bagay na para sa kanila" Napahinto sya sa sinabi ko at humarap sa akin.

"At ano? Lalamonin nila ang pagkaing galing sa isang GAHAMAN at SAKIM ?! Hindi ba't salapi ng iyong ama ang ipinangbili mo niyan?" Dere-deretso nyang sabi. Napatingin ako sa paligid ko na para bang naghihintay sa aking sasabihin

"Hindi pera ni Ama ang pinangbili ko sa mga yan. Pinagiponan ko yan. At pinaghirapan" Hindi ko maaaring sabihin na galing sa future yan na bigla nalang nagtransform into pera nila

"Katulad ni Julian, Gusto ko ding ipaalam sa inyo na sakim man si Ama, Ngunit hindi ako magiging katulad nya. Kaya heto't narito ako para tulungan kayong itama ang mali ng nakaraan!" Bulyaw ko pa. Oo double meaning yon. Kaya siguro ako naparito sa panahong to dahil sa kasakiman ni Ama na kailangan kong ituwid para sa kapakanan ng nakararami.

"Kung iyan ang gusto mo, sige. Ipamahagi mo iyan sa mga bata. Ngunit ito ang tandaan mo, kailan man ay hindi ako kakain ng pagkaing mula sa Ama mo. Antoñito ikaw na ang bahala dito" At tuluyan na ngang umalis si Ka Pedring

Ipinamahagi na ni Antoñito ang mga pinamili ko kung saan tuwang tuwa ang mga bata. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay umuwi na kami ni Julian.
Hinatid nya ako sa Hacienda at Nagpaalam

Hindi ko naabotan si Ama sapagkat nasa kabilang bayan raw sila ni Ina at namimili ng mga gagamitin para sa kaarawan ko ayon kay concela

Kinagabihan, pagkatapos naming maghaponan ay agad akong naglinis ng katawan at saka tuluyang humiga sa kama.

Hindi nga tinanggap ni Ka Pedring ang mga pagkaing iyon. Pero pinahintulutan nyang ibahagi ko iyon sa mga bata

Kasabay ng pag ihip ko sa gasera ay ang pag-ilaw ng kwintas ko. Tinignan ko yon at napangiti. Nagkaroon ito ng kasinlaki ng butil ng bigas na kulay puti. Maaaring tama ang matanda. Hindi madadaya ang kwintas na ito ng aking tunay na naisin at nararamdaman.

Kasabay ng pag ngiti ko ay ang pagpikit ng aking mga mata

****

Author's Note

Ipagpaumanhin nyo ang may katagalang pagdagdag ko sa mga Kabanata. Ang obrang ito kasi ay nakabase sa isang bagay. Kaya naghihintay lamang ang inyong manunulat kung kailan ito darating sa aking isipan. Maraming salamat sa inyong malawak na paguunawa.

Adios¡

-Nomdeplume

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon