Dedicated savageblossom
Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜
Patria's POV
"Gusto ko lamang alamin kung totoo ang aking naririnig na balita na maganda raw at kaakit-akit ang bunsong anak ni Don Hidalgo. At mukhang hindi nagkakamali ang lumilipad na balitang iyon." Sabay kindat nya sa akin na akala mo naman ay kinagwapo niya. Well, gwapo siya pero--- Argh!
Ito talaga yong gusto kong lalaki. Maginoo pero medyo bastos!
Nung nasa 2017 ako, madami din naman akong naging boyfriend. Di nga lang tumatagal dahil sa ugali ko. Oh well, don't care.
"Mga Ginoo at Binibini, pinatatawag na po kayo sa hapag sapagkat kakain na ng tanghalian. Lalo ka na Binibining Patria, ikaw'y hindi nag almusal." Wika ng isang alipin dito sa bahay. If I'm not mistaken, Siya si Meling.
"Halika na Binibini. Masama ang magpagutom." Pagyaya sa akin ng kuya ni Mr. Enchanted.
Napa tsk nalang si Mr. Enchanted samantalang todo ngiti naman si Kuya nya. Kaya nauna nalang akong pumasok kesa mapanood ko pa ang eksena nilang dalawa.
Umupo ako sa tabi ni Ina na nasa kaliwa ni Ama. Katabi ko si ate Marina, na katabi naman si ate Maria. Nasa magkabilang dulo kasi ang dalawang DON. Nasa kaliwa din ni Don Rafael si Doña Isabela/Isang na sinundan naman ni Mr. Enchanted, na katabi ang kuya nya. Bali katapat ni ate Marina si Mr. Enchanted tapos katapat naman ni Ate Maria si Doña Isang, Habang ako, katapat si "Maginoo pero medyo bastos". Si Ina lang ang walang katapat. Gets?
Nang matapos kaming kumain, naglabas ang mga yaya ng dessert. Leche flan. I dont eat sweets pero napilitan pa din ako. I have no choice. Favorite daw 'to ni Patria. Yung totoong Patria. Dahil pansamantagal(?) muna na ako ang Patria, ang mga ayaw ko ay magugustuhan ko na ngayon.
"Kumpadre, hindi ba't mas maganda kung mapangasawa ng kahit na sino sa anak ko ang isa sa iyong mga anak?" Halos maubo naman ako sa sinabi ni Ama. what the? Ganon ba sa panahong to? Pinamimigay nalang ang mga anak? Eh sa 2017 nga pa-istriktuhan ng parents eh.
"Tama ang iyong mungkahi kumpadre, bakit hindi natin tanungin ang dalawa kong anak?" Sagot naman ni Don Rafael habang tumatango-tango pa.
"Ang lahat ng anak ni Don Hidalgo ay talaga namang kay gagandang dilag. Ngunit kung ako ay tatanungin, aking pipiliin si Binibining Patria." Agad na sagot ng kuya ni Mr. Enchanted. Siniko naman ako ni ate Marina na ikinangiti ni ate Maria. Hindi ba ang weird ng feeling na hindi ka napili? Ang saya pa nila? Napasubo naman ako ng Leche flan sa sinabi nya.
"Maganda talaga itong si Patria. Mabait, masipag at maaasahan sa gawaing bahay. Talentado din iyan Ginoong Lorenzo." Pagmamalaki pa ni Ama. Eh lahat nang yun wala sa katangian ko. Pwera lang sa maganda. Ako kaya ang title holder. Napa smirk naman si Mr. Enchanted sa compliments ni Ama. Halatang tutol si gago.
"Impresionante. Correr riesgo...Hermano." (Impressive. Take a chance...Brother) Nakagiting sabi ni Mr. Enchanted saka tumayo.
"Magpapahangin po muna ako Don Hidalgo. Doña Talina." Napangiti nalang sina Ama at Ina. Alangan namang tumutol sila? Tsaka, tapos na din namang kumain kaya nagsitayuan na din ang iba.
"Saan ka pupunta, Julian?" Puna naman ni Doña Isang kaya napatigil si Mr. Enchanted sa paglalakad.
"En alguna parte." (Somewhere else) At tuluyan na itong lumabas. Ano daw? Aattend ng party? Uso na pala ang party sa panahong 'to?
BINABASA MO ANG
A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]
Historical FictionHIGHEST RANK: #11 in HISTORICAL FICTION ❤ December 14, 2018 +----------------------+ A girl who doesn't know how to care and give, how to help others and how to love so the god of time sent her back to 1890 for her mission to change. ***** Thanks to...