Capitulo Uno

15.7K 488 214
                                    

Dedicated to Sanzuey

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜





"Sandali! dahan-dahan! Susmaryosep!"

Rinig ko na sabi ng isang babae. Ramdam kong gising ako pero nakapikit lang ako. Ang sakit kasi ng ulo ko to the point na hindi ko maimulat ang mga mata ko.

"Saan ba nagtungo ang dilag na ito? Tila kakaiba ang kanyang kasuotan! Wari mo'y minadali ang tela!"

Pinabayaan ko nalang ang mga taong nagchichismisan sa pandinig ko at nanatiling nakapikit. Hindi ko alam ang dahilan ng pagsakit ng ulo ko dahil hindi ko pa maalala ang nangyari. Hindi pa nagsisink-in ang lahat.

"Oh sya, tayo na Naning at hayaan na nating magpahinga ang dilag." Yun na ang huling narinig ko sa matanda saka tuluyang natahimik ang lugar.

Medyo inaantok pa ako. Hindi naman ako umiinom ng sleeping pills ah? Hindi din naman ako uminom kagabi. Bakit hindi ko maimulat ang mata ko?

Ipinahinga ko nalang ang mata ko. Beauty rest lang ang--- Automatic na nagmulat ang mata ko nang marealize ko na matigas ang hinihigaan ko. Obviously, wala ako sa bahay ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto.

KUBO ?! Saang jungle naman ako? Bakit may nippa hut dito? Meron bang ganitong park dito sa Manila?!

Tinignan ko ang katawan ko sa salamin na bago sa paningin ko. Ito pa din naman ang soot ko. At nakapa ko pa naman ang high-waist short ko na pinang-ilalalim ko sa white skirt ko.

Teka, Nasan ba talaga ako?!

Lumabas ako sa naka awang na pinto. Nasilaw pa ako sa sobrang liwanag dahil mataas na ang sikat ng araw.

Paglabas ko, nakakita ako ng daan pero.... LUPA?! What the?!

Nagpalinga-linga pa ako. Maraming tao at mukhang busy sila sa kung anong bini-business nila. May ilang kababaihan sa kalapit na bahay ang may hawak na bilao at nagtatawanan.

"Ineng! hindi ka dapat lumabas ng bahay! tingnan mo ang iyong kasuotan. Saan mo ba ipinagawa ang mga yan?!" Nanlalaki pa ang mga mata ng matanda nang nakatingin sa akin. Tinignan ko din sya. Naka soot sya ng palda na sobrang haba at nakaputing pang itaas. Ganon din ang iba. Para silang aattend ng costplay. Halos matawa ako sa iniisip ko pero nag focus nalang ako sa nangyayari.

"Where am I?" Walang gana kong taning sa kanya. Hindi pamilyar sa akin ang lugar at purong-puro sila magtagalog. Nasa Batangas ba ako? Paano naman ako mapupunta sa Batangas?

Nabalik ako sa reality at nakita ko kung paano magtaka yung matanda sa tanong ko.

"What?! Nasaan ba ako?" Tanong ko ulit. Naiinip na ako dahil puro pagkunot-noo lang naman ang sinasagot sa akin.

"Ah, Narito ka sa Bulakan." Sabi nung matanda. Ilang segundo muna bago ako nakapag react.

"BULACAN?! Anong ginagawa ko dito sa Bulacan?!" Halos lumuwa na ang Eye ball ko sa sobrang gulat.

"Ika'y natagpuan ng aking asawa na si Alberto sa gitna ng bukid kung kaya't minabuti niyang dalhin ka na lamang sa bahay."

BUKID?! As far as I remember, Nasa school ako, and then, argh! Hindi ko na maalala.

"Elen! Naibalita ko na sa Kapitan! Galing pala sa Maynila ang Binibini. Naipahanap na din nya ang kanyang pamilya. Ayon kay Kapitan, anim na bwan na raw nawawala at pinaghahanap ang Binibini. Sya pala si Señorita Patria Del Mundo." Sabi ng isang lalaki na kadarating lang. Humahangos pa ito dahil sa pagtakbo niya kanina.

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon