Capitulo Veintisiete

5.8K 179 17
                                    

BbyAly_101 Para sa iyo ang Capitulong ito 💞

Salamat din kay seulginies na syang gumawa ng cover para sa Capitulong ito :)













"Kailan daw ba gigising si Patria, Ina?"

Minulat ko ang mga mata ko. Medyo may kalabuan pa pero maya-maya lang din ay luminaw na at tumambad sa harapan ko si ate Marina at Ina na nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Patria!" Binigyan ako ni Ina ng isang mahigpit na yakap dahilan para medyo mapaubo ako.

"Maayos ka na ba anak? Sandali at ipatatawag ko na muna si Mang Tuding upang matingnan ang iyong kalagayan." Agad na umalis si Ina habang si ate Marina naman ay lumapit sa akin at binigyan ako ng isang yakap.

"Kamusta ka Patria?" Tanong niya. Marahan akong tumango saka binigyan siya ng isang tipid na ngiti.

"Patria, Makinig ka. Hindi ko dapat na pangunahan sina Ama at Ina ngunit ako man ay naaawa sa iyo. Nararapat lamang siguro na iyong malaman na bukas na gaganapin ang iyong kasal kay Ginoong Samuel." Mahabang paliwanag niya dahilan para mapayuko ako kung saan kusang tumulo ang mga luha ko.

"Kung gayon, Ilang araw akong tulog." Halos pabulong kong sabi na kinatango ni ate Marina.

"Patria, Ikaw ba'y nagdadalan-tao?" Walang anu-anong tanong ni ate Marina. Umiling lang ako sa sinabi niya.

"Ang sabi ni Mang Tuding, ang iyong kalagayan ay maayos naman. Wala naman siyang nababanggit na sakit kaya naman nakapagtatakang ika'y malimit na nakararamdam ng pagkahilo." Pag-aalala pa ni ate Marina. Magsasalita pa sana ako pero biglang pumasok si Ina kasama ang isang matandang lalaki.

Ilang sandali niya akong tiningnan saka nagbilin kay Ina ng mga halamang gamot. Sa dami nun ay hindi ko na nasaulo pa.

"Ipanguya niyo na lamang ang cerpentina kay Señorita Patria nang sa gayo'y mabawasan ang pagkahilo at maiwasan ang pananakit ng tiyan. Kung siya nama'y dinalaw ng lagnat, nagiwan ako ng ilang puno ng tawa-tawa upang pangontra. Sa ngayon, nasa mabuti nang kalagayan ang inyong anak." Mahabang paliwanag ni Mang Tuding. Hinayaan ko nalang silang magusap dahil hindi din naman pumapasok sa utak ko ang mga usaping halamang gamot. Ang tanging nasa isip ko nalang ngayon ay bukas na pala ang kasal namin ni Samuel.

Nang makaalis sina Mang Tuding at Ina sa silid ko, agad na lumapit si ate Marina.

"Patria, Mamayang gabi na ang byahe natin patungong Bicol. Doon gaganapin ang inyong pag-iisang dibdib. Naipahanda na ni Ama ang iyong mga gamit kay Ningning noong isang araw pa." Halos pabulong na wika niya.

"Bakit daw sa Bicol pa?" Nagtatakang tanong ko naman.

"Sa Hacienda ni Tiyang Ebang pakakainin ang mga panauhin sapagkat siniguro ni Ama na hindi makapanggugulo si Ginoong Julian at mga kasamahan nito." Dagdag niya pa. Napayuko ako sa mahabang litanya ni ate Marina. Pano nalang si Julian? Alam ba niya na ikakasal na ako? Atsaka, hindi ako handa para sa ganitong bagay. Hindi ko alam kung paano ang gagawin.

"Tatakas ako. Tatakas ako ate Marina." Nagmamadali kong sabi habang hawak ang kaliwang kamay niya.

"Patria, pag-isipan mong maigi iyan. Nakasalalay ang buhay ng pamilya natin sa mga Villareal. Kung maaari lamang na ako nalang ang ipakasal ay papayag ako, sumaya ka lamang. Ngunit alam ko ding hindi makapapayag si Ginoong Samuel. Delikado ang naiisip mong iyan Patria." Kitang-kita ko sa mga mata ni ate Marina na nag-aalala siya sa kalagayan ko. Ako man ay hindi din alam ang gagawin. Kagigising ko lang tapos ganito agad ang mababalitaan ko.

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon