Capitulo Treinta

5.4K 164 44
                                    

Dedicated to: binibining_gaviera
phiaerrvxn_ (thank you for appreciation) Nakatagong_Ganda kimberlygracemiranda BehBehMo9 purebloodvamp At kay @jojojota (Hindi ko po mahanap ang account mo) Anne_LR Mixa_Dafi tychesoo RosemariePark6 perjjap LourdesBersabe angelang152 at Shinemaureen amat at napasyal kayo dito sa aking kwento :) Nawa'y matapos nyo hanggang dulo 😉😘❤

Pati na kila ManangAloy at Mischievousrisible sengdolauta (for commenting) unicaAC seoulgays RachmaBantilan Blisstwy BehindTheBlueShadow RenzieMilan janelyk_184 (welcome to HYG):) Salamat sa pag-add ng kwentong ito sa inyong babasahin :) nawa'y matapos nyo hanggang dulo :*

***********
Filipinas, 1890
Echague, Isabela

"Maria"

"Maria!"

"Mariaaaaaaa!"

Paulit-ulit na naririnig ni Maria ang boses ng babae na nanggagaling sa hindi kalayuan. Napalingon sa kanyang likuran si Maria kung saan may liwanag na nagmumula roon. Iniharang nya ang kanyang palad dahil sa tindi ng liwanag hanggang sa maya-maya pa'y unti-unting napawi ang liwanag at doon nya naaninag ang isang babae.

"Maria, ako ito. Si Patria. Kailangan mong matapos ang iyong misyon."

"P-Patria?" Tanging sagot ni Maria.

"Oo. Kaya't ika'y gumising na. Kailangan ka nila."

At doon ay nagmulat ang dalawang mata ni Maria. Nasa loob sya ng karwahe nang magising sya. Laking gulat na lamang niya nang silipin niya kung anong nangyayari sa labas.

Maraming patay. Mapa guwardya civil man o rebelde.

Nangunguna sina Ka Pedring, Julian, at Don Rafael sa ibang kasamahan habang nasa pinakalikod nila ang kalesang sinasakyan ni Maria. Nakatutok sa kanila ang mga baril ng Gwardiya Civil kung saan pinangungunahan naman nila Don Hidalgo, Samuel Villareal, at Constantino Villareal. Ganoon ang nadatnang pangyayari ni Maria.

"Mahigit tatlong daang taon nang inaalipin ng mga Kastila ang bansang ito! At ikaw na Gobernador-heneral ay walang ginawa kung hindi gamitin sa ang kapangyarihan upang magpayaman! Isa kang sakim! Kayong lahat ay sakim! Inyo pa bang naaalala ang ginawa ninyong pagpaslang sa aking asawa?! Mga mamamatay tao!" Sigaw ni Ka Pedring. Tumawa ng pagkalakas ang nasabing Gobernador-cillo na animo'y isang baliw.

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon