Sin 2

11.1K 168 5
                                    

"Ano mag mamadre ka!?"

Napatakip naman ako ng tenga dahil sa sigaw nina mama at ate Cassandra.

Naikwento na kasi ni ate Joanne at nilinaw ko nalang. Siguro naman hindi naman magagalit si mama eh madami nadin naman siyang apo. Nakatulong nadin naman ako kaya baka pwede na kong pumasok sa kombento.

"Ma, pakihinaan naman boses mo" saway dito ni ate Joanne

"Psshhh.....pero di nga Dorcs?" Kulet ulit ni mama

"Mama naman" angil ko dito

Napaaray naman ako ng hilahin nito ang buhok ko.

"Anu ba ma!" Asik ko sa kaniya

"Gaga ka mag mamadre ka?sus natikman mo na ang sarap ng buhay? " ani ate cassandra na nangingiti pa

Ano bang ibig sabihin nila? Base sa expression ng mukha ni ate Cass ay may ibang laman ang sinabi nito. Si ate talaga

"Ha?" Maang kong tanong

"Sus Dorcs, namnamin mo muna ang kadalagahan mo bago ka mag disisyon niyan hahahah"

"Ano ba kasi ibig mong sabihin Cassandra?" Kunot noong tanong din ni ate Joanne.

"Ma ang slow ng dalawang anak mo noh?" Ani ate Cass habang sinisiko siko pa si mama na ngayon ay nakatingin lang saakin.

"What I mean is.... papasok ka sa kombento na hindi pa nalalasap ang kasarapan sa buhay?papasok kang virgin?"

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Agad akong lumapit sa kaniya at hinampas siya sa braso.

"Ate ang bibig mo....wala man lang filter" inis na sabi ko dito pero tinawanan lang ako ni ate Cass habang pilit na nilalayo ang sarili sa akin.

Napatingin naman ako kay ate Joanne at mama dahil sa mahinang pagtawa nila.

"Nga pala ma asan yung mga bata?" Pag-iiba ko naman ng usapan.

"Nasa bahay ng kuya Anthony mo, ewan ba sa kuya mong iyon pabago bago ng isip" iiling-iling na sabi ni mama

Napatango naman ako. Lunes ngayon kaya paniguradong nasa eskwelahan si Dorcan grade 11 narin iyon at malapit na ang tapusan. Si Melissa kasi kaka graduate palang ng Senor High nag asawa na. Kaya sa edad niyang 21 ngayon 2 na anak niya. Hayyy buhay.

"Alam mo Dorcs okey lang naman sakin kung mag mamadre ka pero kasi.....gusto ko rin mag karoon ng apo sa inyong lahat" mahinahong sabi ni mama

Napatuwid naman ako ng upo at napaiwas ng tingin.

"Ma, ang dami mo ng apo eh....kay ate Maurice ay si Marius, kay ate Joanne sina Xixia at Chino, kay ate Cass si Cedric, kay kuya Anthony si Camilla, kay Melissa sina Doris at Alfred....o ang dami-dami na hindi ko na kailangan pang dumagdag" ani ko kay mama.

Okey na sakin ang mga pamangkin ko. Anak din naman ang turing ko sa kanila. Halos kasa-kasama na nila ako sa paglaki nila.

"Pero Dorcs anak namin 'yon iba naman 'yong iyo" ani ate Cass

Umiling lang ako at yumuko. Hayyyy

"Tiyaka mas magandang meron ka ring iyo" sigunda naman ni ate Joanne

"Sus. Ano ba kayo, okey na sakin sina Chino tiyaka para naman sa inyo kaya ako nag sumikap o diba maganda trabaho ko nabuhay tayo."

Tumingin ako kay mama at nginitian ito saka hinawakan siya sa kamay.

"Ma, nandiyan pa naman si Dorc siya nalang mag bibigay sayo ng apo. Nag susumikap iyon para sa atin. Tiyaka pag nakapasok na ko ng kombento palagi ko kayong ipagdadasal tapos bibisitahin ko pa naman kayo"

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon