Sin 14

6.5K 107 0
                                    

Sylvester

"Hindi ko alam na kapatid ko pala ang dahilan kung bakit hindi ka pa bumabalik sa Russia" simula ni Maurice.

"Psshh, bakit ano pa bang habol sa akin ni Sergio?" Walang gana kong sabi.

"He's your uncle show some respect, kapatid pa din siya ng mama Therese mo" naiinis niya pang sabi.

Nang-uuyam akong ngumiti saka tumingin sa kawalan, kasalukuyan kami ngayong nasa likod bahay nila. Mag-isa lang sana ako dito sa may kubo ng biglang lumapit sa akin si Maurice, matagal ko na siyang kilala kabit siya ng kapatid ni ma na si Sergio Tsetkova. But I don't claim him as my uncle. Gahaman siya at walang puso.

"Go back to Russia, nagsisisi na si Sergio at nasabi ko na din sa kaniya na kapatid ko ang tinutukoy mong mapapangasawa"

"No." Mariin ko pa ding sabi. I can't just go back lalo pa ngayong nalaman kong buntis si Dorcas. I will never do what they want.

"Hindi ako kasama sa problemang ito. It was Sergio and that old man Emerold" patungkol ko sa ama ni ma at Sergio.

"Pumayag na ang mama mo Sylvester hindi mo siya pwedeng suwayin, besides malapit nang mawala sa mundo si Lord Emerold, lumalala na din ang sakit niya"

"I'll tell mom that I got someone pregnant" walang gana ko pading sabi habang pinagmamasdan ang galaw ng mga dahon dahil sa mahinang ihip ng hangin.

"Don't you dare Sylvester kundi lahat tayong babagsak dito. You can't escape dear, problema ito ng pamilya ninyo" inis niya pang sabi kadahilanan para mapakuyom ako at magtagis ang aking mga ngipin.

Wala silang karapatan para panghimasukan ang buhay ko. This is my decision, kung patayan lang ang tanging paraan ay gagawin ko.

"Hindi lang si Sergio, ang mama mo at ikaw ang masasaktan dito, si Dorcas din isipin mo siya pati ang magiging anak ninyo"

Unti-unti akong mapaharap sakaniya.

"Inosente si Dorcas at kahit ayaw ko sa kaniya ay concern parin ako lalo na sa magiging anak niya—ninyo. Please Sylvester kahit para nalang sa kanila at sa mama mo"

Dorcas

Naramdaman ko ang paglundo ng kama ko kaya agad akong napamulat ng mata. Napansin ko si Sylvester na nakaupo sa gilid ko at marahang nakatingin sa akin.

"Sylvester" mahina kong sabi.

"Shhh, sleep, sorry if I wake you up" bulong niya din sa akin saka sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya.

Tumango lang ako saka umusog.

"Tabi ka na" usal ko saka tinap ang espasyo. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa kaya napangiti nalang ako.

Lalong lumundo ang kama ng tumabi siya sa akin at bahagya niya pang inaangat ang aking ulo at pinaunan sa matigas niyang braso.

"Ahhh, bigat pala" mahinang sabi nito.

Inangat ko ang ulo ko na agad niya din namanang binalik.

"Mabigat" sabi ko

"Ang alin?" Maang niya pang sabi

"Ang ulo ko diba?"

"Ha? May sinabi ba 'kong ganu'n?"

"Psshhh"

Pumikit nalang ako at sumiksik sa kili-kili niya, hindi ko naman naiwasang hindi singhuton iyon. Ba't ang bango? Sumiksik lalo ako at patuloy parin sa pag-amoy sa kaniya.

"Baka maubos ako niyan"

Nagmulat ako ng mata saka huminto.

Bahagya namang umuga ang kaniyang balikat dahil sa mahinng pagtawa.

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon