Sin 15

5.5K 93 0
                                    

"How about this one? Maganda 'to"

Pinakita nito sa akin ang dalawang pares na damit pang bata. Ang cute nga pero masyadong malaki.

Umiling ako saka nagpatuloy sa pagtingin sa mga damit.

"How about these two? Pwede na to sa kambal"

Sinilip ko ulit ito saka tinawanan.
Nasa balikat kasi nito ang dalawang damit habang hindi magkandaugaga sa pagsuot ng sombrerong pambata.

"Baliw ka na Sylvester"




"Pupunta daw dito sina Cassandra" biglang singit ni Sylvester habang inaayos ang higaan namin.

Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng salamin habang nagsusuklay. Tiningna ko ito sa salamin.

"Malayo ang byahe saka si mama dun"

"Dun muna daw siya kina Anthony tiyaka mabuti na din yun para may kasama ka dito sa bahay bukas"

Kasalukuyan na kaming nakatira sa iisang bahay ni Sylvester,  ayos naman na kay mama at halos 5 buwan na din kami dito sa Bicol at sa 5 buwan na iyon ay masasabi kong isa siyang responsable.

We don't have maids pero nag papatawag nalang siya ng tagalinis. Nababagot na nga din ako dito minsan kasi wala man lang akong ginagawa.

Sa umaga siya ang magluluto hanggang gabi tapos siya pa ang maghuhugas, nahihiya na nga din ako minsan pero ang sabi niya lang ay kailangan kong alagaan ang sarili ko para sa babies, I'm having twins.

"Bakit saan ka pupunta?" Taka kong tanong para harapin siya ng tuluyan.

"Well babalik muna ko sa Manila aasikasuhin ko pa yung resignation paper ko sa Philippine Navy atyaka aayusin ko na din yung kay Chrazel"

Pinalopalo nito ang unan ko saka humiga doon. Tumayo na din ako saka lumapit sa kma at tumabi sa kaniya. Umusog ito saka pinaunan ako sa kaniyang braso.

"Sa limang buwan nating pagsasama wala ka pang nakukwento tungkol sa inyo ni Hazel" simula ko.

Bumuntong hininga naman ang huli saka ako niyakap. 

"Well.... nung araw na kinuha ko siya sa kombento ay ayaw niya sanang sumama. And she told me about Don Laurinciano, gusto daw ng tito niya na ipakasal siya sa kasosyo nito na isang byudong matanda. So ang nangyari ay pumayag ako. That's why I'll be in Manila tomorrow I'll fix this"

Hinalikan niya ako sa ulo kadahilann para napapikit ako.  I hug him tightly saka tuluyan na ngang nakatulog.

Alas tres ng hapon dumating sina ate Cass kasama ang kaniyang anak na si Cedric. Nabigla nga ako nung una kasi ang akala ko ay ngayong araw mismo ang byahe nila.

"Ang laki na ng tiyan mo" bungad agad ni ate saka hinawakan ako sa kamay.

Ngumiti lang ako saka tumango.
Inaya ko si ateng maupo habang nakapalibot parin sa loob ng bahay ang kaniyang tingin.

"Ang ganda ng bahay ninyo Dorcs" mangha niyang sabi

"Ah oo nga eh" sang-ayon ko naman

Maya't maya lang ay bumaba na ang bagong paligo na si Sylvester. Natulala ako saglit sa kaniya. He's wearing a plain Gray V-neck shirt at black pants nakasapatos din ito at parang modelong dahan-dahang bumaba ng hagdan while his eyes are looking directly at me. Tumibok bigla ang puso ko.

"Gwapo ng Hubby mo no?" Ani ate Cass para matigil ako sa aking pantasya.

Nag-init naman bigla ang pisngi ko saka siniko ng bahagya si Ate.

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon