Sin 11

6.1K 112 0
                                    


"Buntis ka!" Diretsang sabi ni mother superior, hindi ko mawari ang expression nito sa mukha, kalmado lang ito pero may bahid disgusto ang mukha.

Kinabahan naman ako bigla dahil du'n hindi ko rin alam ang gagawin at hindi ko alam ang sasabihin.

"Hindi mo man lang ba ikakala?" Ani sister Sophia sa malambot na expression.

Yumuko ako at tuluyan na ngang napahikbi. Nahihiya ako sa kanila at sa sarili ko, bakit ba hantong da ganito?

"Angelie, magsalita ka" naiiyak ding turan ni sister Easter

Umiling lang ako saka humingi ng pasensya.

"Mahabaging Diyos anong nangyari sa batang ito?" Wika ni sister Sophia na bigla nalang napaupo.

"Hindi niya na makakaila, nakita ito ni Adelide na binigay ni Sandy kay sister Easter" saka binagsak ng superior ang PT na sa tingin ko ay ginamit ko kanina.

Paanong?

"At ikaw naman sister Easter may balak ka bang itago ito sa amin? Oo nga't alaga mo itong si Angelie pero alam mong isang kasalanan ang kaniyang ginawa!" Mataas na boses nitong sabi.

Napapikit ako saka napakapit ng mahigpit sa aking damit.

"Sister Easter totoo ba ito?" Ani din ni sister Sophia

Hindi umimik si sister Easter kaya tiningnan ko ito, seryoso lang din itong nakatingin sa akin kaya napayuko ulit ako ng tingin.

"Hindi iyan magsasalita sapagkat pagtatakpan niya lang naman ang kasalanan nitong si Angelie." Bumaling ito sa akin kya napatuwid ako ng upo at hindi parin natigil sa pagluha.

"Paanong nangyaring nabuntis ka? Imposible namang nung umuwi ka, kaya pala ang tamlay-tamlay mo at ang putla, sintomas na pala iyon ng pagbubuntis mo" Hindi parin makapaniwalang sabi ni sister Sophia

Patuloy parin ako sa pag-iyak at mahigpit na mahigpit parin ang kapit ko sa aking damit. Iba't ibang imahe na at pangyayari ang gumagana sa isip ko.

Paano kung malaman ito ng iba? Panu si mama?ano mararamdaman niya? Si ate Maurice? Wala akong rakasan sa sumpa ng pamilya namin. Napapikit naman ako ng mariin dahil sa mga isiping iyon. I don't deserve this.

"Isa ba sa mga seminarista? sino du'n?" Tanong pa ng superior

Hindi ako umimik at mas lalo pang humigpit ang kapit ko sa aking damit and I think nagkanda gusot-gusot na iyon.

"Baka naman yung hardinero?o yung tagalinis ng altar—"

"Sophia! Ano ba yang iniisip mo?" Saway dito ni sister Easter na may bahid pagkainis .

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni mother superior kaya napatingin ako sa kaniya habang dahan-dahang sumasandal sa upuan niya.

"The talk is over, you can go now Angelie padadalhan ka nalang namin ng sulat mamaya"

Tumango lang ako dito saka na tumayo, humingi muna ako ng pasensya saka lumabas na.

Umiiyak ako habang naglalakad palayo sa opisina ng superior, mabuti nalang at nasa hall na ang mga tao oras na din kasi ng hapunan kaya wala ng nadaan na mga sisters.

Napagpasyahan kong pumunta muna ng CR para ayusin ang aking sarili ng may biglang himigit sa akin at kaadkarin ako papasok.

Nanlaki ang mata ko ng mapag sino ko iyon.

"Sister Easter? Ba....bakit?" Takang tanong ko

"May ikaklaro lang ako" ani nito

"Ano po iyon?"

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon