Sin 25

4.4K 81 0
                                    

"Boss Good morning" bati agad ni Gelo kay Sylvester pagkalabas na pagkalabas nito ng kwarto.

"Good morning" bati din ng huli saka tumabi sa akin

"Morning. Where are they?" Patungkol nito sa mga bata

"Ah kasama nina uncle at tita sa Barn sisilipin daw nila yung mga manok du'n " ani ko saka inilipat sa harapan niya yung sandwich at hot chocolate na hinanda ko kanina.

"Hmm, mamayang 9:30 am ang flight ninyo papuntang Pilipinas" tumingin ito sa kaniyang wristwatch saka binaling ulit sa akin ang tingin.

"Sunduin mo sila pag eight am" inubos na nito ang agahan saka nagpaalam na maliligo muna daw.




"I still can't believe it that my boss is the father of your kids" natatawang turan ng pinsan.

"Believe it or not of course he is" natawa na din ako

"And how did you two met?" Uaisa niya pa na ikinatigil ko.

How can I answer his question? Sa halip ay ngumiti nalang ako saka umiling dito.

"Ugghh speak couz"

"Nah-ah finish up I bet you still have works today. I'll just get the boys "




"Susunod ako sa inyo at sisiguraduhin kong payapa na tayong lahat"

Kasalukuyan na kaming nasa airport ngayon at hinihintay nalang mag nine thirty.

"Aren't you going with us papa?" My Sylver asked.

Malungkot ko namang tiningnan ang bata. Nilapitan ito ni Sylvester saka ginulo ang buhok.

"Papaiwan muna si papa huh? Marami pa kasi akong gagawin dito eh saka bibisitahin ni papa yung lola Therese ninyo" paliwanag niya saka binaling sa akin ang tingin

"Huwag ninyong pababayaan ang mama ninyo okay?" Tumingin muli ito sa mga bata saka pinaghahalikan iyon sa ulo.

"I love you" wika niya sa dalawa saka niyakap ang mga ito.

"I love you too papa"

Saka namn ito lumapit sa akin at ako naman ang niyakap.

"Please take care. Alagaan ninyo ang sarili ninyo sa Pilipinas habang wala ako. This won't take long" Humiwalay ito sa akin saka ipinagdikit ang aming mga noo.

I don't know why my eyes are becoming watery. Magkakalayo na naman kaming dalawa at walang kasiguraduhan pa ang lahat.

"I love you Dorcas and always remember that" ani nito saka hinalikan ang gilid ng ulo ko

"Mahal din kita at pangako maghihintay ako" tuluyan na nga akong umiyak saka niyakap ang lalaki.

"I love you more and please take care of our children"

Tumango lang ako saka hindi pa din natigil sa pagluha. Bumitaw na ako sa kaniya saka hinarap ang dalawang bata na tinatamad na nakaupo habang ginagalawgalaw ang paa.

"Kids, say bye to papa na" ani ko saka pasimpleng pinupunas ang luha.

Niyakap ng dalawa ang kanilang ama habang umiiyak ang mga ito. Hindi ko din napigilan ang hindi mapaluha.

Tumalikod muna ako saka pinagtabi ang mga maleta naming mag-iina saka humarap ulit sa kanila.

Lumapit ako kay Sylvester saka ito niyakap

"Mag-iingat ka din ha? Gusto ko pang matuloy ang kasal natin. Huwag kang magpapalipas ng gutom at wag kang masyadong uminom ng alak masama iyon, Janiva once told me na lasingero daw ang asawa niya. Ayoko ng ganu'n Sylvester hmm?"

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon