Special Chapter 2

6.5K 126 20
                                    

"Ampon ka lang naman nina mama e, alam mo kung sino ang tatay mo? si tito Dorcan" pang-aalaska ni Sylvius sa bunsong kapatid na ngayon ay apat na taong gulang na.

"Hindi naman e" matinis ang boses na wika ni Sylvan.

"Oo kaya, look your self in the mirror" ngumisi si Sylvius saka inabot sa kapatid ang maliit na salamin na hindi ko alam kung saan nito kinuha.

"You look exactly like tito Dorcan. Tanungin mo si mama kung kaninong anak ka nga"

Umiling lang ako saka inayos na ang mesa.

"Hali na kayo dito, asan si Sylvie?"  ani ko kay Sylvius na kinukulit pa si Sylvan.

"Mama, am I not really your son?"

Niyuko ko naman si Sylvan saka ito pinakatitigan. Ngumiti ako saka ginulo ang buhok nito.

"Of course Yes, baliw na kasi iyang kuya Sylvius mo"

"Kuya Sylvius is bad, he's a liar"

Tinanguan ko lang ito saka kinarga at pinaupo sa bakanteng uouan sa aking tabi.

"Nga pala Sylvius, asan si Sylvie?"

"Nasa taas po ma nag pipinta na naman siguro" Anang Sylvius saka umupo na din.

Maya't maya lang ay dumating na din si Sylver at Sylvester. Nakapang-eskwela pa si Sylver samantalang naka pang-opisina naman si Sylvester.

"Hi ma" hinalikan ako ni Sylver saka umupo sa tabi ni Sylvan saka kinulit iyon.

Sa kambal si Sylver ang close kay Sylvan at inispoil nito ang bunsong kapatid kaya sa tuwing inaasar ni Sylvius si Sylvan ay to the rescue naman ang isa. Tulad ngayon.

"Kuya Sylver, why does kuya Selbus always say that I'm tito Dorcan's son" malungkot na turan ni Sylvan sa kapatid.

"Of course not baby, Kuya Sylvius is the ampon here in our households" Tumingin ito kay Sylbius saka ngumisi.

"If he is, you're an ampon too kuya"

"I'm not ampon, siya lang ang ampon" anang Sylver na kakamot-kamot ng batok.

"Diba twins kayo?" kunot noo pang tanong ni Sylvan.

"hahaha"  Tumawa lang si Sylvius saka umiling.

"To be honest kiddo, we're not really twins. Ginaya niya lang yung face ko. He's an impostor look in his eyes, it's chocolate brown" Dumukwang ito kay Sylvan para ipakita ang mata.

"Look in my eyes, I'm having green. Same to you and same to mama"

Tumango lang si Sylvan saka tinawanan ang kuya Sylvius niya.

"Hey Hon" anang boses na nasa aking likod. Hinarap ko naman siya.

"Hey, kanina ka pa diyan diba?" ani ko sa kaniya saka siya pinakatitigan.

"Yeah, Tinitignan ko lang ang mga bata. Thank you so much hon"

"For what?"

"For this, for the kids, for the family and for everything. I love you so much"

Ngumiti lang ako saka siya niyakap ng mahigpit.

"I love you too"

"Upo ka na dito Sylvie, dito ka sa tabi ni kuya Sylvius dali"

Napaharap naman kami sa hapagkaininan. Dumako ang tingin ko kay Sylvie na lukot na lukot ang mukha. Tumabi ito kay Sylvius.

Inaya ko na din si Sylvester na maupo para makakain na kami.

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon