Nakatayo lang ako sa harapan ng pinto ng bahay namin ni hindi ko nga mahawakan ang doorknob ng pinto. Kanina ko pa nga rin napapansin ang kakaibang tingin ng mga kapitbahay namin.
I'm wearing a simple shirt tiyaka black pants plus isang maleta na medyo may kalakihan. Alas nuebe palang ng umaga pero nagsilabasan na ang mga itsusera naming mga kapitbahay.
Akma ko na sanang pipihitin ang pinto ng bigla din itong bumukas.
"Uhm? Yes?" Ani ng batang lalaki. I think it's Marius.
"Marius?"
"Yes it's me. Who are you?" He asked again. Ang ganda ng accent niya siguro sampong taong gulang na siya o eleven, ang laki na niya. Kung narito siya edi narito rin si ate Maurice.
"I'm your tita Dorcas your mom's sister" nakangiti kong sabi
"Ow Hi tita" ngumiti ito saka kinuha ang kanang kamay ko saka nagmano, such a nice kid.
"Come in tita, I do-"
"Marius who's in there?" Ani ng boses sa loob, nakaramdam naman ako ng kaba.
"Ma, it's tita Dorcas" he shouted back, binalik nito sa akin ang atensyon saka ako pinapasok ng tuluyan.
"Have we met before tita? I just can't remember you and you're so pretty" nakangiting turan nito saka pinagmamasdan lang ako.
"You're only 3 the last time I saw you, kaya baka hindi mo na ako maala-"
"What are you doing here?" Ani ng boses sa likod ni Marius, napaangat naman ako ng tingin saka hinarap ito.
"Ate..."
"Marius go to your cousins" utos ni ate Maurice sa anak.
"But I want to know tita Dorcas" angil naman ng isa. Pinanlakihan ito ng mata ni ate pero hindi parin ito umalis.
"Ma..."
"Don't start Marius or else I'll punish-"
"Go now Marius let's talk later" nginitian ko muna ito saka tinanguan.
Tumango naman ang bata saka lumakad papuntang likod bahay. Napabuntong hininga naman ako saka ito hinarap. Matagal na ding panahon nu'ng huli kong makita si ate at ang laki na ng pinagbago niya, lalo siyang nagmukhang sopistikada. Ate Maurice is not really that pretty gaya nina ate Cassandra pero masyado silang ma-apeal kaya nagugustuhan agad ng mga lalaki.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi makatingin ng diretso sa kaniyang mata. Pero hindi maaari, I need to face this. Nagpakawala ako ng buntong hininga saka ito tingingnan. Her brows are now high at alam kong naiinis siya dahil nakita niya na naman ako.
"Ate...."
"Huh. Bakit?" Mataray parin nitong sabi.
"Si m-ama?" Kinakabahan ko paring sabi.
"Wala nag grocery. Diba kababalik mo palang ng kombento bakit narito ka na naman?"
Hindi ako sumagot sa halip ay yumuko nalang, tama nga si ate Maurice hindi na ako makakatakas.
"Dorcs andito ka nga kala ko nagbibiro lang si Marius" ani ng kakadating palang na si ate Cass.
Binaling ko ang tingin ko kay ate Cass saka ito nginitian.
"Halika....halika"
Inabot nito ang maleta ko saka hinawakan ako sa kamay. Ginayak niya na din ako papasok sa kwarto at agad iyon sinara.
"Woah, ano mga sinabi niya sayo?" Simula agad nito saka sumunod sa akin sa pag-upo sa kama.
Nilibot ko ang paningin sa dati kong kwarto, malaki na ang pinagbago nito, masyado na itong makalat at maraming damit pang bata.
BINABASA MO ANG
One Sinful Night (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Dorcas Angelie Mendes ay gusto niya lang naman maging isang taga lingkod ng Diyos. Her siblings are 6 at halos lahat ng mga ito ay may kaniya-kaniyang pamilya na, ngunit kung hindi iniwan ng asawa ay siya namang nang-iwan. Kaya nap...