Sin 13

6.1K 106 0
                                    

"Dorcas!" Habol nito sa akin pero patuloy parin ako sa paglalakad at hindi ito pinansin, matapos kasi yung kanina ay tinalikuran ko silang dalawa at mabilis na lumabas ng 7/11. Masaya na silang dalawa at hindi ko kayang sirain iyon dahil lang sa nagbunga ang isang gabing pagkakamali na nagawa namin ni Sylvester.

"Dorcas!" Napatigil ako ng hawakan ako nito sa braso. "We need to talk right?" Malumanay pang sabi nito. Hinarap ko siya at binawi ang braso ko.

"Buntis ako" diretsa kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya. Walang emosyon ang mukha niya at para lang itong bato.

Nagsimulang magsitulo ang mga luha ko dahil sa walang reaksiyong mukhang pinakita niya saakin. Sabi na eh, baka hindi niya kami matanggap ng magiging anak niya.

Yumuko ako saka pinunas ang aking luha bago siya hinarap muli. Nginitian ko siya.

"Wag kang mag-alala gusto ko lang ipaalam sayo na ganito na ang sitwasyon ko and hindi ko sisirain relasyon ninyo ni Hazel bahala na kayo sa buhay niyo"

"I know" yun lang ang sinabi niya saka ngumiti.

"Buti alam mo na hindi ako naninira ng relasyon, isa man ito sa dahilan kung bakit hindi ako natuloy sa gusto ko tatanggapin ko parin siya at mamaya—"

"I know that you're pregnant" biglang sabi niya.

Nagtataka ko naman siyang tiningnan. How come? Lumapit siya sa akin saka humawak sa balikat ko.

"I know, sinabi ko sa sarili ko na once na bumalik ka ulit dito  with in a week or a month ay buntis ka"

"Pero—"

"Shhhh bawal kang mabuntis kasi magsisilbi ka sa itaas, I'm sorry" paumanhin niya.

Napahikbi naman ako at saka ko nalang naramdaman ang pagkulong niya saakin sa malapad niyang braso.

"Shhh" alo niya sa akin saka sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.





"Pa'no na kayo ni Hazel?" I asked him.

Kasalukuyan kaming narito sa park at naupo sa isa sa mga bench. Sa una tahimik lang kami pareho pero walang mangyayari kung hindi ko sisimulan.

Napabuntong hininga siya saka tumingin sa kawalan.

"I don't know, aayusin ko lang ito tapos kayo naman"

"Hindi mo na kailangang nakipaghiwalay sa kaniya, kaya namin ito " tuloy ko sa magiging anak namin.

"No, I want to father our child"

Ba't ang sarap sa pandinig no'ng "our" na sinasabi niya? Napangiti naman ako ng palihim. Having this little inside me is not a sin at all, tanggap siya ng papa niya at sobrang saya ang aking naramdaman.

"Pero—"

"Ok lang...ok lang... Balak ko na nga ring mag resign sa trabaho ko ngayon at patakbuhin nalang ang kompanyang iniwan sa akin ni Dad" ani niya saka ngumiti sa akin.

"Ano bang trabaho mo?" Taka ko pang tanong.

"Well, I'm a Navy at on leave ako ngayon pero may isa akong missio— nevermind"

Tumango lang ako saka tumingin sa mga batang naglalaro. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti because of the scene I am seeing. Ang dudumi ng ng mga bata at kanda habol-habol naman yung mga magulang at yaya nila.

"Ang saya mo no?" Ani ng katabi ko, napatingin naman ako sa katabi ko only to found out na sa akin siya nakatingin.

"Ahhh, ha?" Wala akong masabi, ang gwapo niya talaga sa malapitan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Teka?

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon