Sin 32

4.2K 71 1
                                    

"Dorcas" Simula ni Sylvester habang ako ay nakatingin lang sa screen ng laptop na hiniram ko kay ate Joanne.

Alas nuebe na ng gabi, pinili ko talagang gabi na makipag-usap sa kaniya dahil tulog na ang kambal sa ganitong oras. Ayaw kong makita siya ng dalawa gayong namumuo na naman ang galit ni Sylver sa ama.

"I'm sorry again Dorcas, mahirap din ito para sa akin pero this is the only way para matakasan ko ang mga Adisowna at mamuhay ng kasama kayo. Will you still wait for me Dorcas?"

Hindi ako kumibo at pinagmasdan lang siya. Medyo nangangayayat na siya at lumalim ang mata. I wonder if he still sleep at night.

"Dorcas----"

"Do you really love me Sylvester?" sabat ko sa kaniya

"Yes Dorcas, I love you"

Tumango lang ako at napabuntong hininga.Mahal naman pala ako pero bakit nakakaramdam ako ng takot? Takot na baka mahal niya ako pero iba ang pipiliin niya at iyon ay ang kaniyang asawa.

"Nangyari ang lahat ng iyon because that was our plan. Wala ng ibang paraan para ma-divorce kami ni Janiva. The old Adisowna said that I should or we should give him a grandchild and at that case he'll let me divorce Janiva"

"Don't you think it's unfair for Janiva and sa magiging anak mo sa kaniya? You two are married and you should give the kid a complete family"

Tumingala ako at pumikit pikit. Ito na iyon eh, letting go is hard lalo na't mahal mo.

Pinatigas ko ang aking mukha saka humarap kay Sylvester.

"I'm giving you up Sylvester. Masiyado ng marami ang kasalanan ko sa diyos ayaw ko ng dagdagan"

"What do you mean Dorcas?" medyo taranta niyang tanong, medyo napaayis pa siya ng upo.

"Loving you is a sin but it don't felt wrong at first kasi minahal kita. I'm supposed to be a nun but a thing had happened and nagkaroon ako ng Sylver at Sylvius. Akala ko ayos lang kasi hindi ko pwedeng sisihin ang kambal sa nangyari, it was me who committed a sin and it was sleeping with you." tumingala ako para pigilan ang luha ko pero it's still useless, nagsiunahan padin.

"Dorcas...."

"Si Janiva ang asawa mo Sylvester at responsabilidad mong alagaan siya. Hindi biro ang pagbubuntis Sylvester lalo na kung walang katulong kaya kung maaari hayaan mo na ang plano mong pakikipaghiwalay sa kaniya. You can still be the father of the twins"

"No Dorcas. Tell me may nangyari na naman ba? pinagbantaan ka na naman ba ng mga Adisowna? tell me!" nanggagalaiti niyang tanong.

Umiling lang ako. Tinitigan ko siya.

"Wala Sylvester.....wala. Desisyon ko na ito mula kagabi pa nakapag-isip-isip na ako at balak ko na ring kausapin ang dalawa ng tungkol sa ating dalawa"

"You'll not gonna do that Dorcas" hindi makapaniwalang ani nito. Titig na titig lang siya sa akin at maya't maya ay tumayo ito at tanging tuhod nalang niya ang nakikita ko.

Napakunot naman ang noo ko ng biglang dumilim ang background niya. In-off ang camera.

"Let it Dorcas. I don't want you to see me at this state" ani nito. Teka sinipon ba siya?

"Mahal na mahal kita Dorcas sana huwag naman umabot sa ganito. May tiwala ka naman sa akin diba?"

Umiling lang ako saka pasimpleng pinunas ang aking luha na walang tigil sa pagtulo. Bakit nga ba kasi humantong kami sa ganito? Masaya naman na kami e, bakit hindi pa din pwede?

"Dorcas....."

Mahina lang akong napahikbi saka hindi na ito pinansin..Patuloy padin siya sa pagtawag sa pangalan ko pero panay din ang iling ko.

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon