Sin 29

3.8K 75 0
                                    

"Dorcas!"

Napalingon naman kami sa may pinto dahil sa ingay ng mga kadarating lamang

"Asan si Dorcas? "

"Mama ano ba, madami pang ibang pasyente dito"

"Joanne hanapin mo si Dorcas "

Maya-maya lang ay may kumalabit sa akin, tiningnan ko naman iyon, yung matanda pala na babae na ang anak ang siyang na hospital.

"Pamilya mo ba iyon ineng?" Ani nito.

Hindi ako sumagot saka pumikit nalang. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, masiyado akong nasasaktan dahil sa mga nangyayari lalo na ngayon na nawala ang aking anak.

"Dorcas!" Ani agad ni mama pagkakita sa akin.

"Ayos ka lang ba anak? May masakit sayo?kumain ka na ba?" Nag-aalalang tanong niya kumikinang na din ang kaniyang mata simbolo na naiyak siya. Tinitigan ko lang si mama.

"Magsalita ka hoy " ani nito

Hindi ko alam pero bigla nalang nagsitulo ang luha ko, kanina pa ko umiiyak pero hindi pa pala ubos.

"Dorcas bakit?" Ani ate Joanne na ngayon ay naupo na din sa hospital bed kung saan ako nakahiga

"Ma...."

"Shhhh....tama na "

Niyakap ko nalang si mama saka patuloy pa din sa pag-iyak.



"Sabi ng doktor pwede ka na daw lumabas, nabayaran ko na din yung bill mo......ano ba talaga ang nagyari Dorcas?" Ani ate Joanne

Wala na akong nagawa at ikweninto ko na sa kanila ang mga nangyari mula sa paglabas ko sa opisina hanggang sa pagtapon nila sa akin sa tapat ng hospital. Hindi ko napigilang hindi manginig habang nagkuwento sa kanila, umiiyak din ako saka malakas ang tibok ng puso.

"Bakit may dugo?" Usisa din ni mama.

"Ma.... I lost him" mahina kong turan habang lumuluha pa din

"Ano? Teka lost who?" Takang tanong ni mama.

"Oh My God, Dorcas!" Napatingin naman kami ni mama kay ate Joanne.

"Paano mo nagawang magpabuntis pa sa lalaking iyon? Wala siyang magandang naidulot sa iyo tapos ngayon nagpabuntis ka pa?" Nagpipigil sa galit nitong turan.

"Ano ba Joanne huminahon ka nga" saway dito ni mama, hindi na ako kumibo pa.

Tumingin sa akin si mama.

"Yun ba?" Hindi man malinaw pero alam ko kung ano ang tinutukoy ni mama.

Umiiyak naman akong tumango sa kaniya.

"Apo ko"


"Mama mag eat ka na po, You've been like this for four days na po" ani Sylver habang inaayos ang mga platong may mga pagkain.

Tiningnan ko ito saka nginitian.

"Wednesday ngayon bakit hindi ka pumasok?  Kahapon si Sylvius ang hindi"

Ginulo ko ang kaniyang buhok saka ito pinaghahalikan.

"Me and bal are worried about you, mag eat ka na mama. Ayaw ni Angel na malungkot ka sige ka iiyak yun sa heaven" ani Sylver saka inuumag sa harapan ko ang kutsara na may lamang pagkain.

Ngumanga naman ako saka kinain yung nasa kutsara, habang ngumunguya ay hindi ko mapigilang hindi mapaiyak.

Naisip ko bigla yung magiging anak ko sana, I didn't get the chance to hold him, see him and even give him a name ni hindi ko nga nalaman kung babae ba siya o lalaki. He's only a months old when God took him from me.

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon