Sin 33

4.4K 72 3
                                    

Sylvester

"Yes papa, this house is really nice I want to live here" nakangiting sabi ni Sylvius

Natawa naman ako bahagya. Hindi ko mawari kung ano ang mararamdaman ko ng biglang tumawag sa akin si Dorcas kaya agad ko naman iyong sinagot kahit na gabing gabi na dito and only to found out na si Sylvius pala ang tumawag at pinakelaman ang laptop ni Joanne.

"Talaga? Lilipat ka na niyan ng school pag diyan ka na sa Bicol tumira" nakangiting turan ko sa kaniya.

"It's okay papa. I'll tell mama that we should live here kasi naman papa kailan ka po ba kasi uuwi. Are you really that busy? I miss you" naka pout na sabi niya.

Natigilan naman ako, umiwas ng tingin saka yumuko. Paano ko ba ito sasabihin sa kaniya? Sobrang bata niya pa para sa ganitong sitwasyon. Napabuntong hininga nalang ako saka nginitian siya.

"Hindi ko pa alam Sylvius pero promise uuwi na ako medyo madami pang ginagawa si papa dito eh"

"Kasi naman papa eh, matatas na nga ako mag tagalog pero hindi pa din ikaw nauwi dito baka may ibang eva ka na diya ah"

Nanlaki naman ang mata ko. Aba't. Nakaramdam naman ako ng kaba bigla. May alam ba siya?

Ngumiti si Sylvius saka nag peace sign sa akin

"Charot lang papa"

Napabuntong hininga naoang ako saka tumango dito.

"Where's Sylver?"

"Ah he's beside me--- Aww that hurts" Angil nito saka lukot ang mukhang tumingin sa gilid.

"Shut up I don't want to see him" Ani Sylver saka nilalayo layo ang Laptop sa kaniya samantalang kabaliktaran naman ang ginagawa ni Sylvius.

"C'mon bal, don't be stubborn. I know you miss papa too and please wag ka na magalit sa kaniya sige na"

Medyo gumulo ang background ng video kaya napa kunot noo naman ako. Nag tatalo din ang dalawa kaya agad ko itong pinagsabihan.

"Hey hey hey." saway ko sa kanila

"Sige na bal"

"Fine! tsk"

Umayos na ito saka naman sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Sylver. Nag katitigan lang kaming dalawa, walang nag sasalita at walang nag-iiwasan ng tingin.

"Talk Bal"

"Pshhh"

"Hi Sylver" simula ko

"Pa..." maluha luha niyang sabi. Nag simula namang mamuo ang luha sa aking mata. Sa kanilang dalawa si Sylver ang ilap sa akin. He doesn't want me to be his dad and it hurts as hell. Nahirapan akong makuha ang loob niya pero ngayon galit na naman siya sa akin.

"How are you?" ani ko sa kaniya pero matagal siya bago sumagot.

"Sylver?"

"Leave us alone!" Sigaw niya sa akin saka tumayo at umalis. Nawindang naman ako dahil sa kaniyang sinabi. Sakit ang bumalatay sa aking mukha at sa di malamang dahilan ay biglang may tumulong luha sa mata ko.

"Sylver comeback here!" sigaw naman ng kakambal pero hindi nito hinabol ang kapatid sa halip ay ito ang oumalit sa pwesto ng kakambal.

"Papa...." ani nito

"I'm sorry" Naisambit ko nalang.

"I'll talk to him papa and I'm sorry too. I love you papa"

Tumango nalang ako saka hinayaan nalang na mamatay ang tawag. Pagkatiklop na pagkatiklop ko ng laptop ay napahagulhol nalang ako.

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon