Sin 10

6.7K 108 0
                                    

Dedecated to donabel98

Tinapos ko na ang natitira kong isang araw at bumalik agad sa Kombento nagtaka nga rin si sister Easter bakit daw ang aga ko. Ako kasi ang naunang dumating sa kombento at dumiretso sa itaas para mag sign-in.

Kasalukuyan akong nakahiga sa sahig habang nakatingin sa kisame, Kakatapos ko lang kasing mag-ayos ng mga gamit at agad akong nakaramdam ng pagod.

Napaisip na naman ako. Isang malaking kasalanan ang aking ginawa. Should I still continue this or should I quit? Hayyyyy.

Bumangon ako saka nagpalit, maaga pa naman at saktong linggo ngayon magsisimba nalang ako at magkokompisal Kay father Jess. Hindi ako patutulugin ng konsesya ko Kung hindi ko ito ibabahagi sa pari.

Matapos ang misa ay pumila agad ako at mabuti nalang ay ako ang nauna. Nag-antay pa kami ng halos 10 minuto para sa pagdating ni father kaya tudo yuko naman ako ng maglakad na ito papalapit saka pumasok sa kumpisalan kaya sumunod na din ako sa kabila.

I signed of the cross muna dahil iyon ang sinabi ng pari. He asked me what's my problem or what is the thing Is wanted to share.

Hindi pa ako nagsasalita pero nagsiunahan na sa pagtulo ang mga luha ko. Nakaramdam ako ng takot na baka husgahan ako ng pari, at takot na sabihin ang lahat.

"Hija bakit?" Mahinahon nitong tanong.

"Father mapapatawad pa po ba ako ng Diyos dahil sa laki ng kasalanang nagawa ko? Naguguluhan na po ako father at hindi pinapatulog ng konsenya. Nahihiya din po ako sa sarili ko" tuloy-tuloy kong sabi kahit patuloy parin sa Pagtulo ang luha ko.

"Sege lang hija, ano ba kasi ang kasalanang nagawa mo?"

"Magigi na po akong isang gananap na madre father pero nagawa ko po iyong kasalanan na iyon"

Pinagpatuloy ko ang kwento ko kay father habang patuloy parin sa pagluha, sisigok-sigok na din ako pero hindi parin ako huminto. Nakikinig lang sa akin ang pare hanggang sa matapos ako.

"Makasalanan po ako father" huli kong sabi.

Narinig ko ang lalim ng bundong hininga ng pari at bahagya pa itong tumikhim-nakaramdam naman ako ng hiya.

"Alam mo hija, lahat naman ng tao nagkakasala ano man ang katayuan mo sa buhay at tungkulin. Kahit ako na pari ay nagkakasala din na ipinagdarasal ko nalang sa kaniya para niya lang mapatawad. Hindi ka pa ganap na madre at ang pangyayaring iyon ay hindi mo naman inaasahan."

Bumuntong hininga ito at huminto, Akma na sana akong magsasalita ng bigla din itong magsalita na siyang ikinawindang ko.

"Buntis ka ba hija?"

Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa tanong ng pari. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya, isang buwan palang ang nakakalipas at wala naman akong nararamdaman.

"Hija?" Tawag ni Father.

"No-I'm not...I...I-I don't know" at tuluyan na nga akong napahikbi.

Inalo naman ako ng pari kaya pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak na hindi ko naman magawa.

"Sa ngayon ay hindi mo pa alam. Pwede mo naman e-test diba? Isang tanong nalang anak. Nais mo pa bang ipagpatuloy ang pagmamadre o aalis nalang habang hindi ka pa isang ganap na madre?"

"Ipagpapatuloy ko po kahit anong mangyari "

Patuloy parin ang buhay ko sa kombento na parang wala lang nangyari. Ilang araw na rin ang nakalipas at hindi pa makakabalik si Sandy wala akong alam kung bakit.

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon