Sin 23

4.2K 84 0
                                    

Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ng kambal ng pumasok si Sylvester sa kwarto.

Natigil ako sa ginagawa ng maramdaman ko siya sa aking likuran kaya hinarap ko nalang siya.

"Nakwento ng mga bata na matagal ninyo na palang kilala si Janiva" panimula niya.

Kinunutan ko lang siya ng noo. He sounded like annoyed and parang ang bilis niya lang sambitin ang boses ng babae.

"Stop seeing her" ani nito para tuluyan na ngang magsitaasan ang dalawa kong kilay

"And why would I do that? She's nice naman at malapit siya sa mga bata" inis kong sabi saka ngapatuloy sa ginagawa ng biglang hablutin ng lalaki ang braso ko para bumalatay ang pagtataka sa mukha ko.

"That's the point Dorcas, she wanted to be near you so that she can do her plan easily"

Binawi ko ang braso ko at tumuwid ng tayo. What's wrong with him?

"Ano ba ang mga pinagsasabi mo? You're acting as if you know the person truely"

"Because I do!" He said with a high voice.

Natigagal namn ako bigla, not because of his tone but because of what he said. Tumibok naman bigla ang puso ko at nasundan ng sakit dahil sa karugtong ng sinabi niya

"She's my wife" mahina ngunit matigas niyang sabi habang direktang nakatingin sa akin.

Nanubig naman bigla ang mata ko. I felt betrayed and toyed. Nanghina ako bigla dahil sa sinabi niya para mapaupo ako ng tuluyan sa kama. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Lumuhod ang lalaki sa harapan ko para pumantay ang mukha naming dalawa, hinawakan niya ako sa kanang balikat ko at at sa aking mukhang para ipaharap ako sa kaniya.

"Diba I told you before kaya hindi ako nadalaw dito, it's because of her. Baka malaman niya na kasama ko pa kaya dito sa Toronto. You don't know her Dorcas, she's manipulative and a cunning woman, she can play minds and that's what she is doing to me now. She wants me so bad kaya pumupunta siya dito sa inyo, kinukuha niya ang loob ninyo. And I don't want you harm"

Naalala ko naman ang usapan namin ni Janiva kanina. Napapikit nalang ako. I don't want to put the lives of my twins at stake.

"Ito ba ang kapalit ng kagustuhan kong makasama ka at ng kambal? Kung mapapahamak din naman ang buhay ng mga anak natin, might as well.....end this Sylvester. Let's end what we're doing. Naiipit ka na sa sitwasyon lalo na ang kambal" umiiyak kong sabi, bahagyang umuuga ang balikat ko dahil sa lkas ng pag-iyak.

Napayakap na din ako sa lalaki ng bigla ako nitong yakapin.

"Shh, wag ka ng umiyak, aayusin ko ito" lumayo siya sa akin saka hinawakan ako sa magkabilang pisngi

"Listen to me Dorcas, siguro umuwi muna kayo ng Pilipinas, doon muna kayo kila mama Alice"

"Paano ka?" Nag-aalala ko pang tanong

"Susunod ako. Pangako"

Umiling lang siya saka niyakap ang lalaki at binaon ang mukha sa leeg nito.




"Mama is it true that we are going to Pilipinas?" My Sylver asked

Natigilan ako sa pagsubo at kinunutan ko namn ito ng noo.

"Yes mama" ani naman ni Sylvius tuwang-tuwa  sa kinakain

"Who told you that?"

"It was papa" anang Sylver

Natigilan naman ako. I haven't said yes nu'ng mag usap kami saka dapat hindi niya muna sinabi.

Napailing nalang ako.

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon