Sin 7

7K 128 2
                                    

"Ate?" Salubong sa akin ni Melissa. Tumango lang ako dito saka niyakap ito.

"Ma! Si ate Dorcs!" Sigaw ni Melissa saka ginayak ako papasok.

Napansin ko naman ang bahay, medyo maraming nabago mula pintura hanggang sa gamit. Napangiti naman ako hindi naman pala dapat ako mangamba na pumasok ako ng kombento kasi okay naman pala sila.

"Na miss ka namin ate, ano kumain ka na ba ng breakfast?" Ani Melissa

Nginitian ko lang ito saka umiling. Pinagmamasdan ko lang si Melissa ang laki na din ng pinagbago nito. Lalo siyang gumanda saka medyo may katabaan nadin siya

"Ang lusog mo ata Melissa" biro ko pa dito

"Ate naman maganda na rin ito" natatawang sabi nito

Napansin ko namang parang tahimik ang bahay at saka dun naman ang paglabas ni mama Alice na may mga bula pa ang kamay siguro nag lalaba siya. Tumayo ako at lumapit kay mama saka ito niyakap.

"Ma namiss kita" masaya kong sabi dito nagkandaugaga naman si mama kung yayakapin ba ako dahil sa may mga bula nga ang kamay niya pero kinalaunan ay niyakap niya din ako.

"Dorcas ko" humiwalay sa akin si mama saka kinulong ang magkabila kong pisngi sa mga kamay niya.

"Ang ganda ganda mo parin Dorcs, Melissa tawagin mo mga kapatid mo"

"Ah opo"

Pinaupo ako ni mama sa sofa na hindi parin binibitawan ang kamay ko. Halatang masaya si mama sa pag-uwi ko at ganun din naman ako..

"Yung mga pamangkin ko ma asan?"

"Nasa eskwelahan, si Xixia at Chino grade 4 na  tapos si Camilla, grade 2 na si Doris at si Alfred grade 1 si Cedric nasa kindergarten na." Masayang sabi ni mama

"Siguro si Marius ma highschool na no?"

"Ah Oo grade 9 na iyon" Nakangiting sabi ni mama. Bigla ko namang naalala si Dorcan kaya tinanong ko naman kay mama kung kamusta ang pag-aaral niya. Nangunot naman ang noo ko ng matahimik si mama.

"Nasa Canada na ang kapatid mo kinuha na siya ng tita Frida mo, tanda mo iyong kapatid ng papa mo na umuwi dito para kunin ang bangkay ni Dorcan iyon yun"

"Ba't kayo pumayag?" Naiiyak kong sabi. Bakit nila kinuha si Dorcan?

"Katunayan niyan Dorcs ako ang kumontak sa kanila—"

"Ma!" Umiyak na nga ako dahil sa sinabi ni mama. Pinakuha niya dito si Dorcan panu nalang siya dun?

"Napariwara si Dorcan dito anak, nabuntis niya iyong kasintahan niya pero sa kasamaang palad ay nawala iyong bata. Hindi ko matanggap ang ginawa niya, nagpakahirap ka para sa kaniya pero sinayang niya lang kaya kinausap ko ang tita Frida mo na kung maaari ay kunin niya na dito si Dorcan dahil palala siya ng palala. I'm sorry Dorcs"

Niyakap ko nalang si mama. I felt a guilt inside me. May ginawa din akong kasalanan at sa tingin ko hindi ko pa kayang sabihin. Siguro nga nasumpa ang pamilya namin. Lahat kaming magkakapatid ay may hindi magandang karansan sa buhay.

"Kailan po ba ito nangyari ma?"

"3 taon na ang nakakaraan isang taon bago ka umalis"

Napahawak naman ako sa noo. Ni hindi pa siya graduate ng señor High nun. Nakaramdam naman ako ng konting inis sa kapatid ko.

"Sino yung babae ma?" Tanong ko kay ma

"Ah Lyka Santiago iyon anak kilala mo iyong mga Santiago diyan sa may sentro? Yung mga mayayaman?" Ani mama

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon