We've been married for almost two years now at masaya naman kami ni Sylvester. Kasalukuyan nang nasa third year na ang kambal samantalang kinder naman na si Sylvie.
Wala pa kaming balita kay Janiva o kung may balak pa ba siyang kunin sa amin si Sylvie. Sylvie is now a son to me at hindi ko alam kung kaya ko pa bang mawalay sa kaniya. I really love the kid na minsan kinaseselos ni Sylver kasi hanggang sa pag tulog ay katabi namin ito minsan.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng baon ng mga lalaki ng makaramdam ako ng hilo. Napahawak ako ng mahigpit sa mesa at saka bahagyang pinipikit-pikit ang aking mata.
"You okay Hon?" boses mula sa aking likuran.
Tumango lang ako saka pinagpatuloy ang ginagawa. Pero bumalik na naman ang hilo ko mabuti nalang ay may mga bisig na sumalo sa akin.
"Hey hey hey, maupo ka nga muna"
Iniusog niya ang upuan saka ako inalalayan paupo doon. Hinilot ko naman ang sintido ko bago ko siya tinignan.
"May meeting ka ba ngayon?" tanong ko sa kaniya
"Wala naman, bakit?"
"Pwede mo ba akong samahan kay Dra Jimenez?" ani ko sa kaniya.
Tumango lang ito saka hinalikan ako sa noo.
"Base sa resulta mo Mrs. Lagdameo you're in two months of pregnacy" nakangiti nitong turan pero agad naman iyong nawala dahil sa lukot kong mukha.
Tiningnan ko si Sylvester sa aking tabi na tulala lang sa kawalan. Hindi ko mabasa ang emosyon sa kaniyang mukha. Nakaramdam naman ako ng kaba at napahawak sa kamay ni Sylvester kaya naagay niyon ang kaniyang atensyon at tumingin sa akin.
"I'm sorry Dorcas" ani niya sa mababang boses.
"Base din sa mga results mo sa dumaang mga taon, hindi ka maaaring magbuntis Mrs. Lagdameo because of the complication in your uterus"
Yumuko lang ako saka tumango. Hindi ko na napigilan pa ang pamumuo ng luha sa aking mata.
Mula ng mawalan ako ng anak ay hindi na kami nag balak pa ni Sylvester na magkaroon pa ng anak at nakontento na kami sa mga bata. Pero bakit....
"If ever doc may pag-asa pa po ba ang baby?" ani dito ni Sylvester habang pinipisil-pisil ang aking kamay
"Sorry to tell you this Mr. Lagdameo pero ang tanging magagawa lang natin ay ang alisin ang fetus para hindi na mahirapan ang misis ninyo sa masamang mangyayari" seryosong wika ng doktor.
"I'm sorry pero mauuna na ako" dali-dali akong tumayo saka iniwan ang dalawa.
Nagsipag-unahan ang mga luha ko habang mabilis na tumatakbo palayo sa lugar na iyon. Narinig ko pa ang pagtawag ni Sylvester sa akin pero tuloy-tuloy lang ako.
"Dorcas sandali" naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking braso saka ako pinaharao sa kaniya
"Dorcas"
"Ayoko Sylvester....please"
"Dorcas...."
"'Wag please, maawa ka sa magiging baby natin Sylvester"
"Ma we'll be having a tour sa bagiuo" singit ni Sylvius.
Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan ngayon at wala pa si Sylver. It's been three days mula ng malaman naming nagdadalang tao ako. There's a life, may anghel na naman sa loob ko pero hindi maaari.
"Kailan daw?"
"Bukas po na mama"
Nahinto ako sa pagsubo kay Sylvie dahil sa kaniyang sagot.
BINABASA MO ANG
One Sinful Night (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Dorcas Angelie Mendes ay gusto niya lang naman maging isang taga lingkod ng Diyos. Her siblings are 6 at halos lahat ng mga ito ay may kaniya-kaniyang pamilya na, ngunit kung hindi iniwan ng asawa ay siya namang nang-iwan. Kaya nap...