Sin 27

3.8K 70 0
                                    

Matapos ang usapan namin ng bata ay agad akong dumiretso sa prisento. Pero ito lang ang mapapala ko? Mukhang wala silang pakealam.

"Ma'am hindi pa po 24 hours mula ng mawala ang anak ninyo, malay ninyo po kung naglaro lang at kung saan nakarating" paliwanag pa ng police

"Sinuri ninyo po ba ang lugar?" Dagdag pa nito at bahagyang tumingin sa akin.

Natigilan naman ako. I didn't.

"Mukhang hindi po ma'am,  siguro sinuri ninyo muna bago kayo sumugod dito, wag kayong masyadong mag-alala ma'am " maangas nitong sabi saka tumutok ulit sa kanyang computer

"But they're in danger, They were taken by a gunmen, paanong hindi ako mag-aalala!?" Hindi ko na naiwasan pang hindi sila pagtaadan ng boses.

Napabuntong hininga naman ang pulis saka ito umiling at may iniabot sa akin na papel.

"Tatawagan na lang po namin kayo. Let's wait 24 hours before we move " ani nito at nagtipa na naman.

Naiiyak naman akong nagsulat ng numero ko du'n saka walang paalam na umalis sa prisento.

Naturingan pang mga pulis. 

Wala akong buhay habang naglalakad. Patuloy din ako sa paghanap sa kamabal.

Asan na ba sila? Saan ko sila hahanapin? Si Sylvester baka magalit iyon sa akin. Napahinto nalang ako at napapikit. Sunod-sunod sa pag-agos ang aking luha.

Hindi ko maiwasang hindi mag-alala, kumain na ba sila? Si Sylvius baka takot na takot na iyon.

"Anak! Sylvius....Sylver!"

Bahagya na akong tumatako, kahit saang sulok na ako pumunta nag babakasakaling nandun sila. Abot langit ang aking kaba dahil nakarating na ako sa kung saan mang lupalop pero hindi ko parin sila makita.

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng may biglang tumawag sa akin. Si ate Joanne

Agad ko iyon sinagot

"Ate?"

"Dorcas asan ka ba? Alam mo ba kung anong nagyari sa mga anak mo!?" Mataas ang boses niyang turan sa akin.

"Ate" mahina kong sabi hanggang sa paunti-unting napapahikbi.

"Dorcs umuwi ka na, narito na sila"

Dahil sa sinabi ni ate ay agad kong pinatay ang kaniyang tawag at tumakbo.


Pagkababa ko ng taxi ay agad akong nagbayad at tumakbo papasok ng bahay.

"Mama....ma..ma..mama"

Naabutan ko ang kambal na umiiyak, naestatwa naman ako sa may pintuan.

Umiiyak si Sylvius habang pinabanggit ang pangalan ko samantalang nakatulala naman si Sylver. Mga anak ko.

Napataas ng tingin sa akin si Sylver at saka biglang umatungal ng iyak saka tumkbo sa akin.

"Mama" iyak nito saka ko naman siya Binuhat at pinaghahalikan.

"Mama!" Sugod din sa akin ni Sylvius, lumuhod ako at niyakap din ito

"Mama they have guns" sumbong ni Sylvius

Tumango naman ako saka simpleng umiyak at pinaghahalikn silang dalawa

"Are you both okay? May masait ba sainyo? Did they hurt you?"

Sabay naman silang umiling. Thanks God.



"Basta sabi nung dalawa bibili daw sana sila ng icecream, tapos may humarang daw sa kanila. Hinila si Sylver kaya nakipag-away si Sylvius pero tinutukan siya ng baril." Hinawakan ni mama ang kamay ko "Dorcas, bakit may ganu'n? " nag-aalala niya pading sabi niya

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon