Sin 8

6.7K 123 0
                                    

Si Sylvester nga ang matipunong lalaki. Agad akong lumayo dito at saka ito sinampal ng sobrang lakas. Hindi ko makalimutan ang ginawa niya sa akin pinagsamantalahan niya ako.

Hindi man lang ito umimik at tumingin lang sakin.

"Gago ka!" Umiiyak kong sabi dito "Pinagsamantalahan mo ang kalasingan ko, pinaramdam mo sa akin na hindi na ako makakatakas sa sumpa ng pamilya ko. Minali mo ang pilit kong tinatama! " humagulhol na ako at nanlalambot ang tuhod napaupo ako. Samantalang ang lalaki naman ay nakatayo lang sa harapan ko

"Walang hiya ka, nandidiri na tuloy ako sa sarili ko dahil sa iyo" mahina kong sabi. Patuloy lang ako sa pag-iyak ng may pamilyar na boses akong narinig.

"Sylvester is there something wrong" anang babae agad akong nag-angat ng tingin only to found out Hazel ang kaibigan namin ni Sandy na bigla nalang nawala.

"Get back to the car Chrazel" utos ni Sylvester dito. Nagdalawang isip naman ang babae siguro hindi ako nito nakikita kasi nasa likod siya ni Sylvester at nakasalamoak naman ako sa sahig.

"Hazel!" Tawag ko dito saka pinilit tumayo at lumapit dito.

"Angelie" recognition is written on her face tatalikuran sana ako nito ng bigla ko itong hawakan sabraso at ipaharap sa akin.

"Hazel mag-usap tayo" ani ko dito

"I'm sorry" naisambit nito na hindi tumitingin sa aking mata

"Hazel bakit bigla ka nalang nawala? Hinihintay ka namin ni Sandy" naiiyak ko pang sabi. Ano bang nangyayari kay Hazel bakit umaasta siyang hindi ako kilala?

"I'm sorry Angelie kung maaari sana ay wag na tayong magkita pa"

Napatanga naman ako dahil sa sinabi nito. Seryoso ba siya? Ilang taon kaming nagsama sa kombento tapos ngayon parang wala nalang sa kaniya? Parang hindi naman ako makahinga dahil sa kaniyang sinabi, ang sakit ng sinabi niya. Tiningnan ko si Sylvester nakatingin lang ito sa akin na parang sinusuri ako.

"Hazel ano ba talaga ang nangyayari?" Pagsusumamo ko dito

"Hindi Hazel Andress ang pangalan ko Angelie, Chrazel Arragon ang pangalan ko at ako ang tumakas na pamangkin ni Don Laurinciano Arragon kaya kung maaari Angelie layuan mo na ako" pigil ang luha na sabi nito.

"Bakit?" Namamaos kong sabi. Gulong-gulo din ako kasi bakit kasama niya ang lalaking nanamantala sa akin? Titigigan ko lang si Hazel saka tumingin kay Sylvester na ngayon ay nakatingin lang sa akin.

"Bakit mo siya kasama Hazel? Pinagsamantalahan niya ako." Disperada kong sabi pa sa kaniya saka nilayo siya sa lalaking papalapit sa kaniya.

"Huwag kang lalapit kay Hazel!" Banta ko sa lalaki, hindi naman iyo nadala at lumapit parin. Sobrang higpit ng hawak ko sa kaniya ayoko talaga siyang lumapit sa kaibigan ko masama siyang tao

"Angelie" ani Hazel. Tiningnan ko ito para itong nag mamakaawa saka bahagya pang tumingin sa gawi ni Sylvester.

"Hazel, please layuan mo ang lalaking iyan-" I was caught off guard when she cut my supposed to say.

"He's my boyfriend" ani nito sa mahinang tinig. Kasintahan niya ang lalaking nanamantala sa akin? Nagsituluan naman ang mga luha ko.

Hindi ko matanggap na ang lalaking nanamantala sa akin ay kasintahan na ng kaibigan ko. Tiningnan ko si Sylvester na nasa malayo ang tingin. Paano niya nagawa sa amin ito? Hindi siya makakabuti kay Hazel tama na iyong ginawa niya sa akin pero sana wag na ang kaibigan ko.

Humugot muna ako ng malalim na hininga saka tinuyo ang mga luha ko. I raised up my head saka lumakad palayo sa kanila-I bumped Sylvester kaya bahagya pa itong napadaing.

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon