Sin 34

4.6K 75 3
                                    


It's been three years at sa tatlong taong dumaan ay hindi ko na nakausap pa si Sylvester. Wala ding sinasabi sa akin si ate Maurice, hindi ko din naman siya maitanong kasi medyo malabo ang ugnayan naming dalawa.

Malapit na din ang graduation nina Sylver at Sylvius. Sa edad nilang nine ay makakagraduate na sila ng grade six. Did I mentioned that my kids are accelerated? Hindi na sila dumaan ng grade two dahil nakapasa sila sa examination na pang grade three. They got a highest score kaya sa edarang anim ay nasa grade 3 na sila at ng lumipat na kami dito sa Pinas ay tumuloy na sila ng grade 4. Kaya sa maagang edad ay gagraduate na sila ng elementary.

"Gagraduate na tayo tapos mauunahan pa natin si Kuya Alfred grumaduate tapos si Ate Doris mag gi-grade five palang tapos si kuya Cedric mag gi-grade six palang." maingay na turan ni Sylvius habang kumakain ito ng agahan kasabay ang kakambal saka si mama.

Halos kami nalang nina mama ang naiwan dito. Dahil kada pasko nalang kami na kokompleto, uuwi sina Marissa at Dorcan galing Canda saka babalik lang pagkatapos. Ganu'n din sina ate Cass, umuuwi na kasi ito sa asawa nito na seaman at pati na din si ate Joanne na sa Cebu na nakatira sa pamilya nung asawa niyang Chinese samantala si kuya Anthony ay nariyan lang sa kabilang kanto ang tirahan at inaalagaan ang bagong panganak na si Jinky.

Masasaya na ang mga kapatid ko at masaya na din ako para sa kanila.

"Oo nga ano? tapos sina ate Xixia at kuya Chino makakasabayan na natin sa High school"

Nahinto naman ako sa pag-aasikaso ng baon nila ng bigla akong tawagin ni Sylver.

"Mama? where are we going to enroll after graduation?"

"Ahh... Siguro sa bayan anak, mas maganda ang school doon"

"Gusto namin mama sa school nina kuya Chino" sigunda naman ni Sylvius

"Naku! malayo iyon Sylvius sa Cebu pa iyon" ani mama

Tumango naman ako dahil sa sinabi ni mama bilang pagsang-ayon.

"Then we'll rent a Cab back and forth"

"Kahit pa Sylver sobrang layo talaga doon, saka hindi natin pwedeng iwan si mama dito"

"Okay" ani niya sa mababang boses.

Pagkaalis ng mga bata ay agad din akong nag ayos ng aking sarili. Balak ko sanang bisitahin sina Sandy at sister Easter.

"Mama, aalis po muna ako pupunta ako sa St. Pio parish bibisitahin ko sana sina Sandy at sister Easter"

"Sige mag-iingat ka ah"

Tumango lang ako saka tumuloy na. Nag renta din ako ng motor papuntang sentro at saka pinadiretso sa terminal ng buss.

Tiningala ko ang malaking pintuan. Dito nag simula ang lahat, sina Sandy at Hazel. Napabuntong  hininga nalang ako saka yumuko.

"Angelie?"

Agad akong napatingin sa aking likuran.

"Angelie ikaw na ba iyan?"

"Sister Sophia" ngumiti naman ako saka lumapit sa matanda at niyakap ito.

"Tuloy ka Angelie tara" natatawa naman ako habang hila hila ng matanda.

Pumasok kami sa opisina nito.

"Walang katao katao kasi nag sikain pa yung mga sisters." Ani pa nito saka ako ginayak sa upuan.

"Kumain ka na ba?"

"Ah opo sa terminal ng buss na po ako kumain bago pumunta dito"

Pinalibot ko naman ang aking tingin sa paligid. Wala pading pinag bago.

One Sinful Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon