Tinapos ko muna ang trabaho ko, halos 1 taon pa kasi ang kontrata. College na din si Dorcan at patuloy parin ako sa paghulog sa savings niya. Libre na kasi ang college ngayon kaya sapat na iyong naipon ko para sa 6 na taon niya sa college. He took Civil Engineering, ewan ba d'un at iyon ang natripan.
Tapos na ko sa lahat at pag pasok nalang sa kombento ang gagawin ko nalang. Ilang taon nalang naman kasi para tuluyan na akong maging madre. Mahirap sa una dahil sa panunukso ng mga kapitbahay namin. At lalo pa ng minsang umuwi si ate Maurice
"Ano ba pumasok sa kokote mo at gusto mong mag madre?" Asik nito saakin.
Ibang-iba na siya kaysa sa dati mas lalo kasi siyang gumanda ngayon at mukhang yayamanin na.
"Eh kas-"
"Ano bang makukuha mo diyan? Ano gusto mo talagang kutyain tayo ng mga tao ano? Tumatakbo ka sa kahihiyan ng pamilya?"
"Ate hind-"
"Yun naman iyon eh?gusto mong patunayan sa kanila na hindi ka kagaya ng mga kapatid mo? Kaya mag mamadre ka nalang? Bakit iniisip mo na may sumpa ang pamilya natin?"
"Ate hindi"
"Eh ano? Mag-isip ka nga. Iiwan mo ang trabaho mo dahil sa disisyon mo? Panu sina mama? Ha? Mag-isip ka!"
Napaurong naman ako ng tulakin nito ang noo ko. Hindi ko na napigilan ang luha ko.
Narito kami sa kusina ngayon at nasa salas sila mama at wala man lang silang magawa sa takot nila kay ate Maurice.
"Ba't ba ang tanga mo? Eh ano naman kung naanakan kami at iniwan? Ang hilig mo kasing mag magaling eh no?"
"Maurice tama na iyan" awat dito ni mama
"No ma. Mas lalo niya lang tayong hinihiya. Wala ng magandang naidulot yan dito"
"Maurice ano ba?!" Hindi na napigilan ni mama na hindi ito pagtaasan ng boses.
BINABASA MO ANG
One Sinful Night (COMPLETED)
RomanceSa buong buhay ni Dorcas Angelie Mendes ay gusto niya lang naman maging isang taga lingkod ng Diyos. Her siblings are 6 at halos lahat ng mga ito ay may kaniya-kaniyang pamilya na, ngunit kung hindi iniwan ng asawa ay siya namang nang-iwan. Kaya nap...