Breakfast

148K 7.3K 6.7K
                                    

Cesia's POV

'Cesia...' nakarinig ako ng pamilyar na boses ng babae.

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata. Akala ko si Aphrodite ang nasa harap ko pero ibang goddess ito.

Itinaas niya ang aking kamay at ipinakita ito sa'kin. Dahan-dahang lumabas ang isang simbolo sa balat ko.

Ano 'to?

'It's time to wake up... Cesia..' tila naging hangin ang kanyang boses.

"Cesia!"

Natagpuan ko ang sarili ko sa bisig ng anak ni Zeus. Nakaluhod siya sa'kin at kitang-kita ko ang matinding pag-aalala sa mukha niya.

Napaubo ako saka niya ako tinulungang tumayo.

"Trev.." kumunot ang noo ko habang inaalala ang nangyari. "Anong nangyari-"

"Don't ever do that again." humihingal siya. "please."

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. "Trev.. nanghihina ka.." Rinig na rinig ko ang mahinang heartbeats niya.

"Let's go home.." kinuha niya ang kamay ko. Pagkasabi niya nun, sunod-sunod na pumasok ang mga ala-ala ko sa nangyari.

Digmaan... si Gaia.. si Eris...

Napagtanto kong nasa trance pa din kami dahil nabalot ng kadiliman at amoy ng patay ang kapaligiran.

Sumingkit ang aking mga mata nang tignan ang goddess na may nakadikit na lightning bolt sa kanyang dibdib. Nakaupo siya habang nakangiti.

"Bumalik ka na sa Underworld Eris." utos ko. Alam kong hindi ko kayang patayin ang isang goddess na katulad niya.

Dahil unang una, imortal siya at pangalawa, hindi ko trabaho ang parusahan siya. Responsibilidad yun ng ibang gods at hindi ng isang demigod.

Naging kasindak-sindak ang kanyang tingin sa'ming dalawa ni Trev.

"Soon demigods..." dahan-dahan siyang naging abo. "Soon.."

Napabuntong-hininga ako nang makitang nawala na nga siya sa harap namin.

Sa ngayon, si Trev muna ang aasikasuhin ko.

"Trev-" nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Hinayaan ko nalang siya dahil may nagsasabi sa'kin na kailangan niya yon.

Binitawan na niya ako saka ko napansin na nag-iba ang hitsura niya.

"Ikaw pa ba yan?" tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Why? Doesn't it suit me?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Di naman sa ganon.. bagay nga sa kanya yung bagong look niya.

Nagbuntong-hininga siya. "Gaia.. she's here."

"Naramdaman ko nga..." bumaba ang mga mata ko sa kamay niya na pinapalibutan ng...

Mist?

"Can I take you back now?" tanong niya.

Napangiti ako at tumango. Ilang segundo ang lumipas at narinig ko ang malakas na tunog ng kidlat. Kasabay nito, ay ang pagkasira ng trance.

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon