Left

133K 6.4K 5K
                                    

Art's POV

"Waahhh!!" tumatalon-talon ako dito sa napakacute na mga kalye ng Plaka District. Feel na feel ko yung Greek vibes mula dito!

Pagkatapos naming mag-almusal, pumunta kami sa Hadrian's Library atsaka sa Temple ni Zeus. Tapos andito kami para maglunch!

Ang ganda dito kasi ancient pa yung architecture ng mga bahay at napakacolorful!

Pumunta kami sa isa sa mga cute na resto.. or cafe or nakalimutan ko na anong tawag dito. Ano ba yun. Tavern ba? Basta.

Nakaupo na kaming girls sa iisang mesa katapat nung sa boys! At yung isang assistant na ipinadala ni Fernando, nagpakalonely sa isang table.

Dumating na yung in-order ni Ria para sa'min.

Oo. Si Ria talaga nag-order ng LAHAT. Hinayaan nalang namin siya kasi support support!! Ayaw naming masira to ihh! pinaghandaan niya to!

At ang napapansin ko lang ah...

andaming pandesal na may iba't-ibang palaman.

Ang sarap din ng Greek coffee!

Sina Bubbles kaya? Dalhan ko sila ng pagkain?

Hindi ko alam kung paano pero nakarating kami sa topic tungkol kay Trophonius. Nakikinig lang ako sa kanila nang mahagip ng mga mata ko ang isang lalaki na nakatayo sa may di kalayuan.

Kumunot ang noo ko.

Nakasuot siya ng maitim na cap kaya di ko makita ng maayos ang hitsura niya.

"Art?"

"Bakit?" tinignan ko si Ria na kanina pa pala ako tinatawag.

Bumalik ang mga mata ko sa kinatatayuan nung lalaki kaso nawala na siya. Wah.

"Did you have any visions about Trophonius?" tanong niya.

Umiling ako. Kaunti lang talaga ang visions ko simula nung makabalik ako. Nag b-brainstorm nga kaming tatlong elysian oracles pero wala pa rin. IIHHHH.

Si Kaye, ang alam niya lang ay yung naririnig niya dati mula sa mga rebels.

Si Matilda, alam nga niya yung meaning ng first and second prophecy pero tapos na naman daw yun ihh! Nangyari na.

Dapat ako tong malaki ang ambag sa paghahanap ng hints sa mangyayari... huhuhu. Bakit ganon.

Ayy! alam ko na kung bakit.

Yan kasi si Mnemosyne!! Tawag ako nang tawag sa kanya habang nasa Elysium pa ako pero di pa rin nagparamdam.

Alam ko kasing may mali.

May mali sa kwento ng mga rebels na nagsimula daw ang rebellion dahil sa titan goddess. Nakakapagtaka kasi lahat ng mga dahilan nakaturo sa kanya. Ang ginawa lang niya naman ay magmahal.

Kasalanan bang magmahal?! Ha?? HAA?! KASALANAN BA YON?!

Hindi ako naniniwalang si Mnemosyne ang puno't-dulo ng gulo.

Hindi ko pa siya nakausap.. pero.. feel ko lang talaga.. hihi.

Humiwalay na kami sa boys dahil pupunta daw sila sa temple ni Zeus. Kami naman, syempre bibili ng souvenirs! Magme-meet nalang daw kami mamayang gabi sa Monastiraki Square.

Bitbit ang nabili namin, tatawid na sana kami nang tumigil ang isang puting van sa harap namin. May limang lalaki na lumabas at agad-agad kaming hinatak papasok nito.

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon