From the Past

120K 6.6K 3.2K
                                    

Cesia's POV

"Who's Seht?" nakakunot-noo niyang tanong. Sinubukan niyang tumayo saka sinuri ang pagmumukha ko.

Dali-dali kong hinanap ang susi at binuksan ang gate. Gawa ata sa acid yung bakal kaya napasigaw ako sa sakit nang mahawakan ito. Ginamit ko nalang ang aking paa para buksan ito.

"Ang sakit nun ah-" pinapaypay ko ang aking kaliwang kamay.

"You're dumb." puna niya at mabilis na kinuha ang aking kamay. Lumiwanag ang mga kamay namin at pagkaraan ng ilang segundo, nawala na yung sakit sa palad ko.

"I'm not much of a healer, so please." aniya. "I won't be of any help if you break your bones."

Huh.

Binitawan niya ako at binigyan ako ng nagtatakang tingin. "Who are you?"

"Yeah.. umm.." napakamot ako ng ulo. "Malalaman mo yung sagot nyan pag-"

"Stop."

Napatigil kami dahil tatlong guards ang naghihintay sa'min sa dulo ng hall.

Ngayon ko lang namalayan na mga tao rin pala sila kaso, may ibang bahagi ng kanilang balat na napunit kaya't expose yung kalamnan at mga buto nila.

Nakasuot sila ng metal na armors at helmets. Isa sa kanila ay may eyeball na nakasabit sa kanyang pisngi.

"Kinaya mo ba talagang tignan yang mga yan araw-araw?" napangiwi kong tanong.

"I have been here for years." sinamaan niya ako ng tingin. "You think hindi ako masasanay?"

"True." nagkibit-balikat ako saka ginamit ang aking weapon para kunin ang spears nila.

"Call the others." utos ng nasa gitna. Pero bago pa makatakbo yung sundalo niyang assistant para tawagin yung kapwa soldiers nila, natumba kaagad ito.

Dumiretso na ako sa paglalakad at tinignan ang mga guwardiya na nasa aking paanan.

"Night night." bati ko nang lahat sila ay tuluyan na ngang napahilik sa sahig.

Nilingon ko si Seht. Nasa hagdan na kasi ako. Samantalang nakatayo pa rin siya na di maipinta ang ekspresyon sa mukha.

Naiintindihan ko naman kung bakit ganyan ang reaksyon niya pero wala akong oras para hayaan siyang nakatulala.

"Tara na!" sinenyasan ko siyang sundan ako.

Tila bumalik ang kanyang diwa at napailing. Mabilis siyang sumunod sa'kin. Sumilip muna ako sa labas bago kami nagsitakbuhan patungo sa likod ng crate na tinaguan ko dati.

"Alam kong takang-taka ka ngayon pero nais ko lang malaman mo na wala talaga sa schedule natin ang question and answer portion. Okay?" nakaangat ang aking kilay.

Tinanguan niya ako.

Nag-aabang lamang kami nang sa hindi inaasahang, isang sundalo ang pumasok sa dungeon. Lumabas siya saka tinawag ang iba pang mga sundalo.

Nagsimula na ulit akong kabahan ng todo-todo.

"Close the gates!" utos nito. "A prisoner has just escaped!"

Lagot na talaga kami.

"Oh Gods." halos mabilaukan ako pagtakapos makita ang mga sundalo na dali-daling umalis mula sa posts nila para hanapin ang nakawalang prisoner.

Lumabas mula sa isa pang gate ang aso na kasinglaki si Blobblebutt. Palinga-linga ang tatlo nitong ulo para amuyin ang umaaligid na mga baho sa lugar.

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon