Edge of the Night

132K 7.2K 6.2K
                                    

Cesia's POV

'You don't know what happened when I thought I lost you.. do you?' sumandal siya sa upuan.

Stranded pa rin kami dito sa mga ala-ala ko pero mas okay na siguro ngayon kasi kasama ko siya.

'Teka..' pinikit ko ang aking mga mata at pagdilat ko, nasa veranda na kami ng dorm namin. 'Ayan.. mas maganda dito kesa do'n sa dating bahay namin.'

Napangiti siya sa ginawa ko.

'Ano... yung tungkol sa tanong mo..' napatingin ako sa view na namimiss ko palagi sa tuwing umaalis kami pag may missions. 'winasak mo daw yung buong lugar.. yan sabi nila..'

Tumango-tango siya. 'True..' saka niya ako tinabihan.

Pagkatapos, natawa nalang ako nang may biglang pumasok sa isipan ko. 'Trev... nagtatagalog ka ba?'

Isang beses ko lang naman siyang narinig na nagsalita ng tagalog.. O dalawa ba? ah basta...

Napa'hmm' siya bago sumagot. 'I was born in Europe, did you know that?'

Napasinghap naman ako. 'Ha? Eh diba pinoy ka naman?!'

Nginitian niya ako at tumango ulit. 'My mom was visiting a relative and it so happened that Zeus found her... she stayed in Europe and raised me there until I turned ten years old.'

'Eh yung mga kapatid mo?' tanong ko nang maalala yung vision ko dati kung saan nalaman kong may mga kapatid pala siya.

'Yeah.. my mom found another man. They were married but... we had to leave him.' napabuntong-hininga siya. 'As it turned out, he was a part of a group that involved shady business..'

Napakagat ako ng labi nang maalala yung pagkamatay ng mama niya. Psh. Ewan ko ba kung anong meron sa'kin. Umiiral na naman yung pagka-chismosa ko. Tanong nang tanong eh sa huli magsisisi lang din naman.

Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang mahina niyang tawa.

'Bakit?' nagtaka ako.

'Nagtatagalog ba ako?' natatawa niyang sabi. 'Seriously?'

'HALAAAA!' nagulat ako. 'Ba't ganon? Ba't-' napailing ako.

Siningkitan niya ako ng mga mata na para bang naghihintay na tapusin ko yung sinabi ko.

'B-ba't... ang... ang-'

ano nga ulit yung term-

'sarap pakinggan?'

oh Gods.

nasabi ko 'yon?!

Bumagsak ang tingin ko sa sahig dulot ng hiya. Nai-imagine ko na si Aphrodite na binibigyan ako ng award dahil sa sinabi ko.

Kung bakit sa dinami-rami ng adjectives, ang salitang 'yon ang una kong naisip. Kasalanan talaga to ng dugo niya na umiiral sa utak ko.

Mayamaya, naramdaman ko nalang na lumapit siya sa'kin. 'Hindi ko alam kung anong meron sa'yo..' narinig kong bulong niya. 'Pero ang alam ko lang...'

Inangat niya ang aking ulo. 'nang dahil sa'yo...'

'malaki ang pinagbago ko.'

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon