Her Descendant

131K 7K 3.8K
                                    

Abigail's POV

Bumangon na ako pagkatapos i-off yung alarm.

'7:30 am'

Ayan. Late na naman ako ng pasok. Milagro nga at hindi nagkatotoo yung panaginip ko na maexpell.

Ang sakit naman kasi ng ulo ko. Ewan ko kung anong nangyayari sa'kin eh. Para akong lalagnatin na may halong migraine.

Basta... parang may yumuyugyog sa utak ko.

Bababa na sana ako para mag almusal nang mahagilap ng mga mata ko ang aking sariling repleksyon sa salamin. Dahan-dahan akong lumapit dito na nakakunot ang noo.

Teka lang.

Kailan pa naging purple yung mga mata ko?

Dali-dali akong bumaba at nadatnan si auntie na nakaupo sa sala habang umiinom ng kape.

"Auntiiieee!!"

Muntik na siyang masamid sa kanyang inumin nang marinig ang biglaan kong pagsigaw. Nilingon niya ako na may naiiritang mukha.

"Naku Abby! Tigilan mo na yang panggugulat mo ah! Aatakihin ako ng maaga dahil sa'yo.." napailing siya.

"Auntie.. kailan pa naging ganito yung kulay ng mga mata ko?" tumakbo ako sa harap niya at tinuro ang aking mga mata na kakaiba talaga ang dating.

Nagtaka siya. "Anong ibig mong sabihin? Dati pang ganyan ang kulay ng mga mata mo Abby."

Huh.

"Talaga?" ngayon ko lang ata nabigyan ng halaga yung mga mata ko ah. Napaka unique kasi.

Tumango-tango siya. "Oh. Anong oras ka ba natulog kagabi at bakit lutang na lutang ka ngayon?"

"Ahh..." napakamot ako ng ulo. Saka ako napatingin sa pagkain na nakahanda sa mesa. "Sabi ko nga.. kakain na ako ng almusal."

Habang kumakain, nabitawan ko ang kutsara dahil sa biglaan na namang pagsakit ng ulo ko. Akala ko magiging okay na'to pag nalagyan na ng pagkain ang sikmura ko pero...

ba't di pa rin ito nawawala...

"A-auntie.." tinawag ko siya.

"Ano na naman?" nilingon niya ako.

"Pwede bang.. ano.. pwede bang mag absent ako ngayon.. o kahit.. half day lang?" tanong ko.

Ayokong pumasok na ganito ang kondisyon ko. Baka magkaroon kami ng quiz. Mas mabuti pa't mag absent kesa magkaroon ng mababang score dahil nitong ulo ko.

Panandaliang nanlabo ang aking paningin.

Aish.

Lumapit si auntie saka dinamdam ang noo ko. "Hindi ka naman nilalagnat ah. Masama ba talaga pakiramdam mo?" nag-aalala niyang tanong.

Tumango ako.

Di kalaunan, sumang-ayon na rin siya saka hinayaan akong magpahinga. Nakatulog pa nga ako sa pangalawang pagkakataon at yun pa rin ang laman ng panaginip ko. Ang boses ni principal na sinasabihang expelled na ako...

at tinig ng isang lalaki na... gusto akong pauwiin.. tas tinatawag niya rin akong Cesia.

Hmm.

Siguro ito na yung epekto ng habit ko. Araw-araw kasi akong nakukulangan ng tulog kaya para na akong baliw dito. Kung anu-ano na ang naririnig ko.

Napagdesisyunan kong pumasok ng klase sa hapon dahil umobra ata ang binigay na gamot ni auntie sa'kin.

Habang naghihintay sa stop sign para tumawid, napatingin ako sa billboard ng bagong Avengers na movie. Naroon ang lahat ng kinaaaliwan kong superheroes...

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon