Cesia's POV
Nasa kwarto kami ni chan-chan at nakangiti ako habang nakatitig sa kanya na kinakarga yung sanggol.
Simula nung nag-duel sina Hector at Ajax, sa'kin na binibilin ni Andromache ang anak niya. Ang dami na kasing nangyayari kaya naging busy na din sila.
Okay lang naman sa'kin kasi gusto ko talagang makasama si chan-chan. Saka, tinutulungan din ako ni Trev na alagaan siya.
Mayamaya, kumunot ang aking noo dahil lumabas sa isipan ko ang isang katanungan.
"Trev..." tinawag ko siya dahilan na mapalingon siya sa direksyon ko.
"Nagtataka lang ako... marunong ka bang magsalita at umintindi ng Ancient Greek?"
Sa pagkakatanda ko, hindi naman siya descendant ni Mnemosyne ah. Ako lang dapat ang nakakaintindi ng iba't-ibang lenggwahe.
Tinignan niya lamang ako ng napakatagal. Saka niya ibinaba si chan-chan sa kuna.
Sinundan ko siya ng tingin nang lumapit siya sa'kin. "I want you to meet someone."
Kinuha niya ang kamay ko at dinala ako sa labas. Bumaba ang aking tingin sa mga kamay namin na magkahawak at kusa na naman akong napangiti. Naalala ko lang kasi ang gabing magkasama kami sa Livadeia.
Lumiko kami at tumigil sa harap ng kwarto ni Cassandra, kapatid ni Paris.
Pagpasok namin, nakita ko siya na nakaupo sa silya at minamasdan ang kabuuan ng Troy sa labas ng bintana.
"Took you long enough." tumayo siya at nilingon kami.
Ngayong nakita ko na siya na ganito kalapit, masasabi kong napakaganda niya. Magkaparehong dark brown ang kanyang makulot na buhok at ang kanyang mga matang nakakaakit titigan.
Inalok niya kaming umupo kaya ganon din ang ginawa namin. Magkatabi kami ni Trev samantalang siya, nasa tapat naming upuan. Pumagitna sa'min ang isang mesa na gawa sa bronse.
"You must be Cesia." tinignan niya ako.
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
Si Cassandra ay anak nina Priam at Hecuba. Siya rin yung fraternal twin ng isa pang kapatid ni Paris, si Helenus.
May gift of prophecy din siya. Hindi ko alam kung ano talaga yung totoong nangyari sa kanya pero may nagawa ata siya na ikinagalit daw ni Apollo kaya sinumpa siya ng God na wala dawng maniniwala sa mga propesiya niya.
Dahilan na mapagkamalan siyang baliw at wala sa tamang pag-iisip.
"I know what happened, what is happening and what will happen." nginitian niya kami. "and I know you two do not belong here."
"She gave me the ability to break the language barrier." nagsalita si Trev. "And in return, I told her the truth."
Kasunod niyang kinuwento sa'kin ang unang araw niya dito sa Troy.
Katulad ng nangyari sa'kin, nagising din siya sa kwarto niya at sa katawan ni Paris. Madali lang para sa kanya na malaman kung nasaan, kailan at sino siya sa pamamagitan ng pag-oobserba sa kanyang kapaligiran.
Hindi niya naiintindihan ang mga salitang binibigkas ng mga taong nakapaligid sa kanya kaya out of frustation, kinulong niya ang kanyang sarili sa kwarto.
Hanggang sa dumating si Cassandra.
"I knew he was not my brother the moment I saw his eyes." pagbibigay-alam ni Cassandra. "Paris was a coward."
BINABASA MO ANG
Song of The Rebellion
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan is not enough. From the ends of the world, our heroes will each have to use their unique abilities t...