Reversed

131K 6.6K 4.6K
                                    

Thea's POV

Tinapat ko ang aking bibig sa tenga ng paborito kong anak ni Apollo.

"SEEEHHTT!!"

Bigla siyang nagising kaya't tuluyan na nga akong natawa. Kawawa naman 'tong lalaking 'to.

Kanina pa kasi siya nagrereklamo na nakulangan daw siya ng tulog. Lutang na lutang siya kahit di pa kami nakaalis ng Academy kaya hinayaan ko nalang siyang matulog sa buong byahe. Ginigising ko lang para kumain.

"Thea!" Ginulo niya ang kanyang buhok.

"HAHAHA!" natatawa pa rin ako sa mukha niya. "Eto na. Andito na tayo. Tara na."

Halos seventeen hours yung byahe namin mula sa Pilipinas patungo dito sa Athens kaya naabutan kami ng 9 pm dito kahit 4 am kami lumuwas.

Kinusot-kusot niya ang kanyang mata at nakatulala sa loob ng ilang segundo. Nakatayo ako sa tabi niya at hinintay siya na maalimpungatan.

Nagbuntong-hininga siya at panandaliang pumikit. Pagmulat niya ng kanyang mga mata, andun na naman ang ngiti niyang kinaaaliwan ko palagi.

Panghuli kaming lumabas ng eroplano. Pagbaba namin, nakita ko si Kara na kinakausap ang isang matandang lalaki na nakabusiness suit.

Kumunot ang aking noo nang makita si Cesia na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa lalaki.

"Magkakilala kayo?" tanong ko sa kanya.

Tinuro niya yung lalaking kausap ni Kara. "Siya... yung nagdrive sa'kin papunta sa Academy."

"Alphas." lumapit si Kara sa'min kasama ang tinutukoy ni Cesia na naging driver niya daw.

"This is Fernando. He is a billionaire from Athens, Greece and is currently active as a staff of Olympus Academy." pagpapakilala ni Kara sa kanya.

"We meet again... Miss Young." sabi nung Fernando pagkatapos ay hinalikan ang kamay ni Cesia.

WOAH. ANG GALING.

Isang billionaire mula sa Greece ay isa sa staffs ng Academy at siya pa yung naghatid kay Cesia.

Ba't di rin ganon yung pagpasok ko sa Olympus Academy?!

Ilang minuto ang lumipas at natagpuan ko ang aking sarili na nakangiti habang tinatanaw ang mga tao sa labas. Kasama ko ang Alphas sa iisang van at nakakapanibago kasi ang tahimik dito sa loob.

Sa bagay, sobrang haba rin kasi ng byahe namin. Ito ngang si Seht nakatulog ulit sa balikat ko. Psh.

Tumigil kami sa harap ng hotel na sa pagkakaalam ko ay pagmamay-ari ni Fernando. Okay naman siya dahil napakawelcoming niya sa'min. Marunong rin siyang magtagalog dahil nga, isa siyang active staff member ng Academy.

"Masters." kinuha ni Fernando ang atensyon naming lahat.

"Your trip from Athens to Boeotia will take up to 2 hours. I have already prepared for you a place to stay. When do you wish to go?" tanong niya sa'min.

"Tomorrow at 8 in the evening." tinignan kami ni Ria kasunod si Fernando na nasa front seat. "We wish to have our lunch on the streets of Plaka and then have a quick walk just after sundown at Monastiraki Square."

Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya pero tumango nalang ako.

Natawa si Fernando pagkatapos marinig ang sagot ni Ria. "Alright. I think you already have everything scheduled. I will send you one of my assistants to help you as well."

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon