Art's POV
Narinig ko ang pagsabog sa may di kalayuan. Nilingon ko sina Ria na punong-puno ng mga sugat. Naliligo na kami sa sarili naming dugo pero hindi pa tapos yung labanan! Waaahh!!
'Hindi talaga tayo makakapagpahinga dito ihh!!' sigaw ko.
Sa harap ko, libo-libong mga nilalang ang lumabas mula sa lupa. Sobrang ingay ng dibdib ko nang sumugod na rin sila.
Napatigil lamang ako nang makita sina Nyx na nakasakay sa kanyang chariot. Katabi niya si Eris na may nakakakilabot na ngiti.
'The end of the world.' narinig ko siya sa aking isipan.
'has already come.'
Napaupo ako sa aking hinihigaan. Huhuhu. Hindi ko nga pala nadala sina Bubbles dito.
Napatingin ako sa kabuuan ng aking kwarto dito sa Arcadia. Ibinigay ito ng mga Arcadians sa'kin.
Sabi ito raw yung kwarto ni Ariethrusa dati pero ngayong wala siya.. ako muna ang maninirahan dito.
Kinusot-kusot ko ang aking mga mata saka nagsuot ng napakacute kong slippers. Halatang natutulog pa yung mga tao dahil ang tahimik.
Lumabas ako at dumiretso sa library.
End of the world...
Six realms...
Naging pangalawang tahanan ko na rin yung napakalaki nilang library dahil dito na ako namamalagi. Hanggang ngayon, gusto ko pa ring malaman kung ano dapat ang makuha namin mula sa ends of the world.
Baka may magic na stones o di kaya magic wands kaming dapat hanapin.
Malay natin baka yung chemical x pala ang kailangan naming maretrieve!
Huhuhu. Ilang gabi na akong di nakatulog.
Umupo ako sa harap ng sandamakmak na mga librong nakalatag sa mesa. Kompleto na lahat dito.. may mga artifacts.. may mga maps rin..
"IIIIHHH! Naman iihh!" ginulo ko ang aking buhok.
Binigyan ko nga si Cal ng mga kakaunting books para tulungan akong maghanap ng clues.
Ano ba kasi? Ano bang dapat gawin namin sa realms? Waaaahhh!!!
"Dear Apollo.. Pwease give me enlightenment." nagsimula na akong tawagin ang deity ko para tulungan ako.
"Kahit konting liwanag lang.. sige na dad.. papa.. daddy.. yung konting shing! Ganun!"
Naghintay ako sa sagot niya pero wala ihh. Di kaya mahina yung signal dito sa Arcadia?
Nagbuntong-hininga ako. "Sige na. Mag-aaral na po ako ng mabuti tapos... hindi na po ako magche-cheat sa exams!"
Sinubsob ko ang aking mukha sa mga libro. Agad ko namang pinagsisihan ang ginawa ko dahil napaubo ako sa lumang baho ng mga ito.
Ayoko naaa! Sumasakit na ulo koo!!
Pagkaraan ng ilang minuto ng eye-to-eye contact sa pagitan ko at ng mga libro, nakaramdam ulit ako ng antok.
Tumayo ako at nagsimulang humakbang patungo sa aking kwarto.
Huminto ako sa harap ng pinto saka napatingin sa katabi nitong pinto. Napangisi ako at doon sa katabing kwarto pumasok.
"Hehehe..." napahikab ako pagkatapos. Humiga ako at hinatak ang kumot. Kinapa-kapa ko ang higaan para maghanap ng unan na pwede kong yakapin kapalit ni Bubbles.
BINABASA MO ANG
Song of The Rebellion
Fantasía◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan is not enough. From the ends of the world, our heroes will each have to use their unique abilities t...