Cesia's POV
"Okay na si Seht. Naitakas ko na siya. Pwede na ba akong makalabas dito?" tanong ko sa kanya.
Andito na naman kami sa bahay. Sa bahay kung saan ako lumaki, kasama si Mnemosyne. Technically, nasa memories ko pa rin kami.
"The moment you step out of here, you will be sent at the very start of the war. The second that the rebellion was first thought of." binigyan niya ako ng nagdududang tingin. "Are you sure about that?"
Tumango ako.
Isang tao lang naman ang nasa isip ko. At alam kong nag-iisa siya ngayon.
"Makakalabas ka rin dito kaya wag kang mag-alala, Cesia." aniya. "Pero bago ka pa pumunta doon, I want you to know that you will find it... quite unexpected."
Quite unexpected?
Sa unang araw ko palang bilang demigod at estudyante ng Olympus Academy, lahat na ng mga nangyayari sa'kin ay quite unexpected.
Natawa ako. "Sanay na ako diyan."
Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa ako nababaliw dahil sa mga pangyayari eh. Nagawa ko pa ngang pagtawanan ang sinabi ni Mnemosyne.
"Listen to me Cesia, meddling with the past is something to talk about. One wrong move and you will change the course of history." seryoso niyang tugon. "That is why I am warning you."
Kumawala ako ng buntong-hininga at tinignan siya. "Alam ko."
Hindi naman siguro ako ganoon katanga.
Saka, willing naman akong bantayan ang mga galaw ko. Nakasalalay sa'kin ang mangyayari sa digmaan at alam ko kung gaano kabigat ito.
Sa ngayon, iniisip ko yung ibang demigods.
Hindi lang ako ang nakakaramdam ng bigat. Na para bang nakapatong sa balikat namin ang mundo.
Bawat desisyon namin ay makakaapekto sa digmaan at ang kahihinatnan nito.
"I want you first to understand how the rebellion began.." aniya. "And it began... in ancient times."
"Ano??" nagtataka kong tanong. "Ancient times??"
Ang rebellion na ngayon lang nangyayari ay nagsimula pala noon pa? Ancient Times? Anong era naman yun?
"Just.. thousands of years ago.." nagkibit-balikat siya.
Pinikit ko ang aking mga mata para ihanda ang aking sarili sa susunod niyang sasabihin. Dapat kong malaman ang katotohanan dahil hindi pwedeng si Mnemosyne nalang ang pagbibintangan nila.
Iminulat ko ang aking mga mata at sinenyasan siya na magpatuloy.
Napangiti siya at nagsimula nang magsalita. "The rebellion first sparked in Eris' mind. She is called the Goddess of Strife and Discord for a reason."
Tumango ako.
"Her mother, Nyx supported her idea of a rebellion immediately. And so, they went to the other chthonic deities to convince them." dagdag niya. "Well, maybe there are some that were forced, we don't know yet."
So ang nagsimula talaga ay ang mother and daughter tandem. Si Eris, na kilala dahil sa pagiging trouble-maker at si Nyx, na kinatatakutan ng ibang deities. Sa tingin ko malaki ang role ni Nyx kaya't karamihan ng chthonic deities ay pumanig sa kanila.
"But one thing I know is that you're gonna lose and the Chthonic Age will start." sumingkit ang kanyang mga mata.
Chthonic Age...
BINABASA MO ANG
Song of The Rebellion
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan is not enough. From the ends of the world, our heroes will each have to use their unique abilities t...