A Long Night

128K 7.2K 4.6K
                                    

Cesia's POV

"tapos ayun..."

Tumigil na ako sa pagkukuwento nang makita silang apat na humihilik. Dahan-dahan kong inilipat ang ulo ni Art sa balikat ni Kara bago tumayo.

Ako ata ang di makakatulog dito hindi dahil sa iyak ni Persephone. Kundi dahil ramdam na ramdam ko ang nararamdaman niya. Hindi ko nga alam kung maiinis ba ako... o malulungkot.

Paglabas ko, nakita ko ang iilang mga estudyante na nakapajamas at nagkakagulo sa labas ng office.

Naririnig ko mula dito ang mga reklamo nila.

"Students." kinuha ko ang kanilang atensyon kaya't napatingin sila sa'kin.

"Bumalik na kayo sa rooms niyo." binigyan ko sila ng matamis na ngiti.

Hinintay ko munang makapasok silang lahat sa dorms.

'Now sleep.'

Utos ko.

Padabog akong naglakad patungo sa temple ni Demeter na nasa likod ng mall. Gods. Nagsisimula nang sumasakit yung ulo ko. Parang mabibiyak na ito.

Sa may entrance ng temple, napansin ko ang mga bulaklak na dahan-dahang namamatay... nawala na ang kulay ng mga nakapaligid na halaman at umabot pa ito sa ibang temples.

Nadatnan ko ang goddess na nakayuko sa paanan ng malaking statue ni Demeter. Lumapit ako sa kanya at napailing.

"Hi..." nagsquat ako sa tabi niya.

Tumigil siya sa pag-iyak at tinignan ako. "W-what are you doing here?"

"Wala lang..." nginitian ko siya. "Ayoko kasi kapag may umiiyak."

Nawala ang inis ko nang makita ang luhaan niyang mga mata. Napalitan ito ng lungkot dahil ganyan din ang naging hitsura ko nang mawala si auntie.

"Mahal na mahal mo si Demeter ano?" tumingala ako at tinignan ang statue ng kanyang ina.

Si Demeter ang goddess of agriculture, harvest and fertility. Minsan tinatawag rin siyang Goddess of Sacred Law.

Silang dalawa pa nga ni Persephone ay ang itinuring 'The Great Goddesses' ng Arcadia.


"Have you met her?" tanong niya.

Ngumuso ako at umiling. "Gusto ko sana. Sabi kasi mapapamahal ka raw sa kanya the moment na makilala mo siya. Isa siya sa mother goddesses na sobrang dami ng worshippers diba?"


Tumango siya. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at humarap rin sa'kin.


"She's a great mother... the greatest." aniya.


"Yeah.." tumango rin ako. "Halata nga. Iniyakan mo ng todo eh."

Natawa siya ng marahan. "Well then.. you should know how Demeter reacted when she found out I was in the Underworld."


Napangiti ako. Lumabas ang isang ideya sa aking isipan kaya't umurog ako ng konti papalapit sa kanya.

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon