Chthonic

131K 6.5K 2.3K
                                    

Cesia's POV

"Paris- I mean Trev, assembled all our army and the allies' before the break of dawn." pagbibigay-alam sa'kin ni Cassandra. "He was so furious he started the attack at sunrise."

Hindi niya ako pinasagot at diritsuan akong hinatak papalabas ng kwarto at patungo sa isa sa mga towers.

Medyo natagalan kami dahil sa sobrang dami ng mga tao sa palasyo. Pagdating namin, naroon na sina Hecuba at Andromache.

Pumagitna ako nina Hecuba at Cassandra habang nakatayo naman sa kanan ni Cassandra si Andromache.

"I didn't want Paris to live. They said he would be the cause of Troy's destruction." narinig kong bulong niya. "But he came back."

"I bore a son that was prophecied to be the end of it all and I tried to kill him." may halong hinanakit ang ngiti na nabuo sa kanyang labi.

"Yet I accepted him ever since then. I tried ignoring the prophecies because I am a mother who just wanted to see her sons and daughters complete... and protected.. and safe." napalunok siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "I'm a slave of an ill-destined life. A tragedy that was waiting for me, I allowed to happen."

"Just because I did what a mother would do." dugtong niya.

Napadako ang aking tingin kay Trev na kasama si Hector. Nakatayo sila sa labas ng gate at may pinag-uusapan.

"Ginawa mo naman siguro lahat." saka ako napatingin sa kanya. "Kung para sa'yo tama na yung ginawa mo, wala kang ikakatakot kahit trahedya nga ang kinahihinatnan nito."

"Kasi ibig sabihin sinubukan mong lumaban." dagdag ko. "At hindi kabiguan yon... lalo na pag sarili mo ang ipinaglaban mo."

"Who are you to say that? You are the most beautiful woman. Men lower their heads for you." kumunot ang kanyang noo. "Why do you even have the need to fight for yourself?"

Napangiti ako.

"Sa totoo lang, mahina ako." bilang isang demigod.

"At dumating yung panahon na nalaman ko yon." Sa unang digmaan ng Academy.

"Sinampal rin ako ng katotohanang pati sarili ko ay hindi ko mapagkakatiwalaan." Nalaman ko ang tungkol sa tunay kong pagkatao.

"Naranasan ko na ring umiyak nang walang tigil." Sa mga panahon na napahiwalay ako sa Alphas.

"Sobrang dami na ng naranasan ko sa loob ng maikling panahon." at nasanay na ako.

"Kaya alam kong may karapatan na akong lumaban." para sa sarili ko at para sa iba.

"Dahil pagod na ako." saad ko. "Pagod na akong maging mahina."

Bumalik ang aking tingin sa mga Trojans At Achaeans. Sa kalagitnaan ng digmaan, nakita ko ang isang babaeng nakatayo, nanonood sa kanila. Napansin ko kaagad siya kasi nakasuot siya ng chiton na gutay-gutay at nabalot ng dugo.

Mag-isa rin siyang nakatayo, ilang metro ang layo mula sa camp ng Achaeans.

Hindi ko siya nakikilala.

Pero binubulong sa'kin ng hangin na nakasalubong ko na siya dati.

Dali-dali akong bumaba ng tower. Narinig ko ang pagtawag ni Cassandra sa'kin pero hindi ako huminto.

Tuloy-tuloy lang ako habang pilit inaalala kung saan ko siya nakita.

Nakalabas ako ng gate pagkatapos itama sa isa't-isa ang mga ulo ng dalawang guards na nagbabantay at hinarangan ako. Kasunod kong tinanggal ang pulang tela na nakasabit sa likod ng isa at ginamit ito para takpan ang sarili ko.

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon