The Depth

160K 6.4K 4.2K
                                    

Matilda's POV

I found myself standing in the middle of the fields. Nakapikit ang aking mga mata at dinamdam ang bagong atmosphere ng Elysium.

Kumunot ang noo ko nang may naramdaman akong kakaiba. Sa aking pagmulat, nakita ko si Rhea na nakatayo na ngayon sa harap ko.

"You did well." aniya.

Her voice was calm and serene, to the point that my body shivered when she spoke.

"Why are you here?" tanong ko sa kanya.

She looked at me like I should know the answer. It took me a few seconds to realize why she's here.

"Cronus..." napatingin ako sa malaking palasyo na nasa gitna ng buong Elysium. "He's still asleep."

The Gods put him to rest.

Or that's what they thought.

"Did you find it?" tanong niya.

Bumagsak ang aking tingin at napabuntong-hininga. "No..."

"Thanatos searched for them in the rebels' lair... everywhere... but he couldn't find it." sagot ko.

I can feel the temperature change around us. Obviously, she wasn't happy at all. Tinignan niya ako na para bang naaawa siya sa sitwasyon ko ngayon. Well, of course she would. I'm the only one who knows about the consequences of this problem.

Sa mga panahong to, nararamdaman ko ang bigat ng responsibilidad bilang isang oracle.

"the fabric of time torn... reality broken... the collapse of mortals and immortals." mahina niyang sabi. "you know what will happen once one of it is in the wrong hands."

Tumango ako at hindi nalang umimik.

Humakbang siya papalapit sa'kin. "Find it, Matilda..." pinatong niya ang kanyang kamay sa balikat ko.

Before she faded, she left a whisper that weakened my knees.

"You aren't done, child."

Iniwan niya akong nakaupo sa lupa at nakatulala. Mayamaya, pinunasan ko ang isang luha na nakatakas mula sa mata ko.

Pagkatapos, napatingin ako sa kamay ko at tuluyan na ngang napaiyak ng todo-todo.

Slowly, my white dress was stained with droplets of blood and the thought finally crawled in my mind...

Ano nalang kaya ang sasabihin ng iba pag nakita nila ako dito?

In the middle of the field, is an oracle sitting on the ground, slowly losing herself and crying tears of blood.

I chuckled bitterly.

Ano pa bang magagawa ko?

Hihiga na sana ako dahil nahihirapan na akong huminga.

For the last time, I raised my head and from afar, I can see the blurry image of a man with black wings standing. Ilang segundo ang lumipas at tumatakbo na siya patungo sa'kin.

"Matilda!"

Sinisigaw niya ang pangalan ko.

With one knee kneeling on the ground, he grabbed me by my shoulders.

His mouth was moving...

So he must be saying something...

Gusto kong gumaan ang loob ko dahil nandito siya pero iba ang naisip ko nang makita ang ekspresyon sa kanyang mukha.

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon