Stitched

125K 5.7K 2.5K
                                    

Chase's POV

Nakablanko ang aking mukha habang nakatayo sa tapat ng nakasaradong pinto kung saan nagmumula ang ingay ng dalawang deities.

Panira ang mga to.

Mabilis na natapos yung sa'min kay Ria dahil sobrang lakas na ng mga dabog mula sa kwarto. Naramdaman din namin ang paggalaw ng sahig at kinutuban kaming baka guguho na nga ang buong gusali kapag di sila titigil.

"Nasa'n na ba kasi si Hedone?!" naiinis kong tanong.

"Don't ask me. She just disappeared." nagkibit-balikat si Ria.

Huminga ako ng malalim bago kinatok an pinto. Patuloy pa rin ang kung ano man ang nangyayari sa loob kaya nilakasan ko pa ang pagkatok para makuha ang atensyon ng dalawa.

"Mom! Dad! Aren't you finished?! For the Gods' sake!" nagulat ako dahil biglang lumitaw si Hedone sa tabi ko at sumigaw.

Sa wakas at tumigil na rin ang pagyanig ng building. Isang minuto ang lumipas at bumukas ang pinto.

Nakita namin ang dalawang deities na magkatabing nakatayo.

"Nice." pabulong kong tugon.

Para kasing walang nangyari kung ano sa pagitan nila. Hindi magulo ang mga buhok at hindi rin sila pinagpapawisan.

Humahangos nga lang sila. Pero yun lang yon.

Ang bilis ng transition ah.

Makahingi nga ng advice mula kay Eros.

"We have a war to fight." tugon ng anak nila. "and this is seriously how you prepare for it?"

Nagtinginan ang dalawang mag-asawa at sabay na napangiti. Lumapit si Psyche kay Hedone at niyakap siya.

"I'm sorry, darling." aniya. "Your dad was being stubborn again."

Pagkatapos marinig ang sinabi ni Psyche, humakbang ako ng konti kay Eros na nakatingin sa mag-ina niya. Saka ko siya binulungan. "Araw-arawin mo na yang pagiging stubborn mo, tol."

Matagal-tagal siyang sumagot dulot ng malalim na pag-iisip. Sa huli, tumango rin siya. "Very well thought of." pagsang-ayon niya.

Napatango rin ako. "Sabi ko sa'yo."

Nabaling ang atensyon ko kay Ria na binibigyan ako ng tingin na palagi niyang binibigay sa'kin kapag may ginaagawa akong kinaiinisan niya.

"Ano na namang problema mo?" sa kanya na ako lumapit.

"Umaandar na naman pagiging manyak niyo." sagot niya bago ako irapan.

Napangiti ako at ipinatong ang aking kamay sa balikat niya. "Galit ka lang kasi nabitin ka sa nangyari sa'tin kanina-"

Tuluyan na nga niya akong sinapak.

Abnormal din ang babaeng 'to.

Kanina lang sobrang higpit nang pagkapilipit ng braso niya sa leeg ko tapos ngayon binubuhatan na ako ng kamay.

"Anyways..." gaya ng nakasanayan ko, binalewala niya lang ang ginawa niya sa'kin at nagtanong kay Eros kung may ipapagawa ba siya sa'min.

"Actually, yes." sagot ng God. "My arrows were kept by the Moirai for they knew what I have done and they intended to punish me."

•••

"Are you sure they're still here?" tanong ni Ria nang makalabas ng sasakyan. Nakaparada kami sa tapat ng bahay na pinutahan namin dati kung saan namin natagpuan ang mga Moirai.

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon