Ria's POV
"Dito ba?" tanong ni Chase.
"Yeps. This is it." si Hedone ang sumagot.
Together with her mother, Psyche, they just popped out of nowhere. Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung bakit bigla-bigla nalang silang nagpapakita. Pagkatapos, malalaman ko nalang na kailangan nila ang tulong namin dahil may nangyari daw kay Eros.
But hey, maybe this is what we came for.
Maybe this divine family has something for us kaya tinanguan ko nalang si Chase kanina at sinenyasan na sumunod sa kanila.
So now, we're parked in front of an apartment. Dito na daw nanirahan sila Psyche para magtago mula sa mga rebel deities. She said something about the rebels looking for them, most especially her husband, Eros. Pero wala naman siyang sinabi sa'min kung ano yung dahilan na naging wanted sila.
"We lived here ever since we were attacked by ugly creatures." pagbibigay-alam ni Psyche. "Hybrids? Tama ba ako Hedone?"
Nakita ko sa salamin si Hedone na tumango.
I don't know why but I want to laugh. Nakakatuwa kasing isipin na isang pamilya ng deities ay naninirahan sa isang apartment sa mortal realms.
I'm just wondering what kind of lifestyle they learned here while living with the mortals.
Nagsilabasan na kami at magkasabay na pumasok sa building. May ibang mortals akong nakikita na hindi gumagalaw. We just made our way and climbed the stairs since hindi naman gumagana yung elevator. Nasa pinakatuktok kami na floor at pumasok kami sa unang kwarto na nakita namin.
"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko kay Hedone na nakatayo sa aking tabi. Nagbuntong-hininga lang siya bilang sagot. I feel like slapping the soul out of her dahil gusto ko na talagang malaman kung ano yung nangyari and all they give us as a form of response are long sighs and glares.
Hindi ba pwedeng sagutin nalang nila kami ng diretsaan? Gods. Sa tingin ko talaga intensyon nila na gawin kaming baliw.
Are they that fond of riddles?
And then there's us, na nagkakandarapa na trying to figure out everything else. Trying to decipher their prophecies and crap-filled promises.
Psh.
I wanna eat ice cream.
"Nasa'n na ba si Eros?" tanong ko. I felt relief when Psyche actually pointed towards a closed door.
Akala ko kasi titignan na naman niya ako at mapabuntong-hininga lang. Kapag napuno ako sa mga deities na'to and their silent treatment habit, lalayas na talaga ako dito.
Kung sinabi lang kaagad ni Mnemosyne kung anong dapat naming gawin edi sana madali lang namin matapos 'to. If she just revealed everything we should do to win the war, then it would have been easier for us.
"We're sorry for giving you silent responses." napatingin si Hedone sa'kin. "Naging habit na kasi namin ito."
"I wonder why." nakataas ang aking kilay. "kung bakit pinapahirapan niyo pa talaga kami."
Pagod na kasi akong intindihin sila. Simula pa nung una. Why can't they just communicate with us in a way we can actually understand?
Halimbawa, yung pangatlong propesiya ni Rhea. It says there, 'From the ends of the world, the war will cease.'
Sana pinalitan niya ito ng, 'Twelve demigods will enter a portal made by a titan goddess and they will be transported into different realms.'
BINABASA MO ANG
Song of The Rebellion
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan is not enough. From the ends of the world, our heroes will each have to use their unique abilities t...