Freedom

129K 6.7K 5K
                                    

Cesia's POV

Lumutang ang isang baso na may lamang iced tea sa harap ko.

"Thirsty?" tanong ni Mnemosyne.

Tumango ako at tinanggap ito. Umiinom ako nito habang nakikinig sa plano niya.

Sa ngayon, ang alam ko, hindi pa ako makakabalik sa Alphas hangga't magagawa ko ang pinapagawa sa'kin ni Mnemosyne. Nakita niya kasi na hindi magiging maganda ang future ng mortal realms kapag di ako kumilos na mag-isa.

Mahirap pero kakayanin ko.

"During the war, the Olympians will not be able to help you." aniya.

Tinanong ko siya kung bakit.

"They will be captured and thrown to Tartarus. Especially your mother. When she banned Hecate, she used a tremendous amount of her power to do it kaya nanghihina siya sa ngayon." sagot niya.

Sabi ko na nga ba na may nangyari sa kanya. Matagal ko na kasing hindi naririnig ang boses niya.

"The war will end with the rebels winning. They will take over all the realms." dagdag niya. "If we work together, we can prevent that to happen."

Nagbuntong-hininga ako saka tumango. Ilang araw na ba ako dito? Hindi ko na natrack yung time dahil medyo occupied pa sa pag p-process yung utak ko sa mga pinagsasabi ni Mnemosyne.

Hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako. Hindi para sa'kin kundi para sa Alphas.

Kumusta na kaya sila?

Sa totoo lang, gusto ko na silang makita ulit. Sila talaga ang una kong hahanapin kapag nakalabas na ako dito.

"I have something else to tell you Cesia..."

Nag-abot ang aking kilay nang marinig yon. "Ano?"

Nabitawan ko ang aking baso nang makita ang mga demigods na nakatayo sa gitna ng dating lair ng gigantes. Napansin kong madilim sa buong lugar kaya napatingala ako.

Bumalik na sa nakakakilabot na kulay ang mga ulap. Nawala na ulit ang araw at pinalitan na ito ng Virgo.

Sa mga paanan nila ay iilang mga...

"portals?" lumapit ako sa kanila.

Ibig sabihin ilang linggo na pala akong nawala?

Nakita ko si Ria na may sinasabi ata kaso di ko marinig. Sinubukan kong punasan ang kanyang mga luha pero.. di ko sila mahawakan.

"A-andito lang ako..." bulong ko bago sila maglaho.

Napatingin ako kina Thea at Seht na naiwan. Napaluhod si Thea samantalang si Seht naman, inalalayan siya at pilit siyang pinapatahan.

Nawalan ako ng balanse. Agad akong bumalik sa bahay kaya't bumagsak ako sa sofa.

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata.

Napagtanto kong matatagalan pa ako sa pag-uwi. Nasa anim na realms na sila ngayon.. ako naman, hindi pa nakalabas dito.

Naalala ko si Trev.

Nag-iisa siya.

Hindi pwede.

Tumayo ako na nakakuyom ang kamao. "Ano ba ang kailangan kong gawin?"

Hindi ko alam kung anong nangyari pero nakatayo na ako ngayon sa cave ni Trophonius. Katabi ko si Mnemosyne na may tinitignan sa ibaba.

Napaatras ako mula sa malaking butas na nasa dulo ng cave.

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon