Art's POV
Nakangiti ako habang pinapanood si Cal na kausap si Persephone. Isang araw na ang lumipas simula nung nagpakita ang goddess.
Nagsorry na rin yung mga Arcadians.
Pinatawad ko naman sila pagkatapos nilang magpromise na lalaban sila sa rebellion kasama kami. Inanunsyo nga ng godfathers nila sa buong Arcadia tapos andaming Arcadians na umangal pero nang lumabas si Persephone, sumang-ayon na din silang lahat.
Hmp! Si Persephone lang pala katapat nila ihh!!!
Kinurap-kurap ko ang aking mga mata nang papalapit silang dalawa sa'kin.
Nginitian ako ng goddess. "I have decided to stay here."
Nagtaka ako. "Hala. Bakit? Ayaw mo na sa Academy? Hindi ka ba nila inaalagaan dun?"
Ito talagang sina twinny oh! Di marunong mag-alaga ng mga deities! Sana pala sinabihan ko sila na pakainin sila o di kaya, liguan si Persephone tapos bihisan!
Narinig ko ang marahang tawa ni Persephone. "No." umiling siya. "I will stay here to help the Arcadians prepare for the battle. I will send a letter to the Academy to let them know where I am."
"Ahhh..." tumango-tango ako.
Nabaling ang atensyon ko sa mga Arcadians na naglalakad papunta sa'min. Bitbit nila yung mga bags namin.
Tapos na kasi kami dito sa Arcadia at susunod naming pupuntahan ay yung mga Heseperides. Excited nga ako kasi ibig sabihin nito, makikita ko na ulit sina Aj, Theia, at Hespe!
Sure naman akong tutulungan nila kami ihh. Sobrang close kaya namin!
Inabot ng mga Arcadians yung mga gamit namin.
"Wherever the fates take you, you must hold on to each other." huling habilin ni Persephone.
Tumango kami.
Pagkatapos, nagpaalam na kami sa isa't-isa. Kailangan talaga naming magmadali kasi di namin alam kung kailan kikilos ang mga rebels.
Malay ko. Baka bukas na pala yung war! Dun dun dunn! Tapos hindi pa kami ready? No way!
Siguradong bababa si Apollo para lang pagalitan ako pag nalaman niyang sobrang relax lang kami dito sa Arcadia.
No congratulations to Art!
"Cal.." naglalakad kami patungo sa garden ng Arcadia nang may pumasok sa isipan ko. "Pwede mo ba akong turuan paano din i-summon si Persephone?"
Umiling siya. "No."
Napanguso ako. Ang unfair naman ihh! Baka gumagana din yun sa ibang deities. Gusto ko pa namang i-summon si Apollo dito!
"Burning incense in front of their statues only works for the chthonic deities." pagpapaliwanag niya. "It's an Underworld thing."
"Ganun ba yun sa Underworld? Sobrang dali pala makasummon ng chthonic deity ano?" namamangha kong tanong.
Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Humarap siya sa'kin na ipinagtataka ko.
May nasabi ba akong mali?
"You have to drip chthonic blood on the incense to summon them." seryoso niyang sabi.
"Sa'n ka naman nakakuha ng-" hindi ko natapos ang tanong ko nang maalala na may dugong Hades pala siya.
Sumingkit ang aking mga mata saka ko hinablot ang kamay niya para suriin ito. Nakita ko ang dalawang linya sa palad niya na unti-unti nang naghihilom.
BINABASA MO ANG
Song of The Rebellion
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan is not enough. From the ends of the world, our heroes will each have to use their unique abilities t...