Cesia's POV
"Teka nga." sinundan ko ng tingin ang deity na palakad-lakad sa harap ko.
"Asan tayo ngayon? Nasa past ba talaga tayo o-"
"Cesia. Have you forgotten which domain I am in control of?" lumiwanag ang kanyang kamay at kasabay nito ay ang pagliwanag rin ng buong lugar. Isang segundo lang at nasa ceremonial hall na kami ng Academy.
"Memories, Cesia. You're in a realm where only me and you can hide." aniya at tinignan ako.
"So wala talaga tayo sa past?" tanong ko ulit.
Umiling siya. "We're stuck in your memories."
Tila naririnig ko ang boses ni Elpis habang pinapaliwanag sa'kin na pwede yon magagawa ng iilang deities o spirits. Although, ngayon ko lang ata nalaman na pwede pala akong manirahan sa mga ala-ala ko.
"Mabuti nalang at mabilis mo akong nahanap. I didn't expect it to be quick." nagkibit-balikat siya.
"All this time." siningkitan ko siya ng mata. "Nandito ka lang pala nakatago sa mga ala-ala ko."
Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa harap ni Aphrodite. Andito na naman akosa dating kwarto.
Ito yung nakita ko noon.
"Hide before they can sense your power. Are there any last requests?" tanong ni Aphrodite.
Sinubukan kong hawakan si Aphrodite pero bago pa yon, napatigil ako nang marinig si Mnemosyne na magsalita.
"Cesia. When she grows up, I want her to be called Cesia...it means heavenly."
"so be it." sagot ni Aphrodite.
Akala ko tapos na yung memory sa pag re-replay kaso hindi pa pala.
Minasdan ko kung paano unti-unting naging purple mist si Mnemosyne. Saka pumasok ang mist sa mga mata ko. Pagkatapos, mula sa purple, naging brown na ang mga ito.
Huh.
Ganito pala yung nangyari.
Bale ito yung araw na nagtago siya.
"Wanna know more about what happened?" nilingon ako ni Mnemosyne.
Hindi ko alam pero naramdaman ko ang galit mula sa boses niya... na may halo ring kalungkutan.
Muntik na akong matumba nang lumipat na naman kami sa ibang memory. Ngayon, nakikita ko ang aking sarili na nakahiga sa clinic. May basket na nakapatong sa mesa. Ito yung binigay nila Kia sa'kin dati.
Kumunot ang aking noo nang makita ang purple mist na lumabas mula sa bibig ko.
"The first cry of the defeated shall be heard when the sight returns to its true color..." naririnig ko ang boses ni Mnemosyne.
Nagbuntong-hininga ako. "Ito ang araw na bumalik sa dating kulay ang mga mata ko. Ang araw na nakalabas ka na?"
"The first strike of the rebellion happened on the day I finally ended my years of hiding." lumitaw siya sa harap ko.
Binigyan niya ako ng malungkot na ngiti saka niya tinignan si Kara.
"Just dropped by-"
"B-bakit?"
"Your eyes."
"Tama na." mariin kong sabi sa kanya. "Naiintindihan ko na."
BINABASA MO ANG
Song of The Rebellion
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan is not enough. From the ends of the world, our heroes will each have to use their unique abilities t...