Dio's POV
Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman ang aking weapon na nakasabit pa rin sa leeg ko.
I don't know how long it took us to get here. All of this time-travel crap.
Nakahiga ako on what seemed like a riverbed. I was catching my breath when I noticed the clouds were all gray. Hindi ko rin nakikita ang constellation ng Virgo. The only thing that's lighting the sky is the moon.
Pero pati ito ay nagbago na rin.
Because the moon turned into a darker shade of blood.
Also, the air was painful to breathe. Para lang akong bumalik sa Terraria. Pinapalibutan kami ng usok... at kadiliman.
"Dio. Are you seeing this?" tanong ni Kara. Umiikot siya para tignan ang buong kapaligiran. Pati rin ata siya ay naguguluhan sa nakikita niya.
"Yeah. Can you help me stand up?" Pakiramdam ko kasi iba ang tubig dito dahil dumidikit ito sa balat ko.
Lumapit siya sa'kin. I groaned as she pulled me up. Nagtaka ako dahil napakadumi ng hitsura niya. Napuno ng maitim na putik ang kanyang katawan.
I checked myself and it turns out na pati ako ay parang nakatulog sa ilalim ng makina with oil spilling all over me.
Napatingin ako sa maitim na tubig na nakapalibot sa'min. What kind of water is this?
No wait.
Where the hell are we?!
"Tama ba tong pinuntahan natin?" tanong ko kay Kara. Halatang naguguluhan rin siya kung bakit ganito ang nadatnan namin.
Sinuri ko ang maitim na tubig na nasa kamay ko. Sinubukan kong gamitin ang ability ko at napagtantong tubig pa naman ito.
Hindi ko nga lang maiintindihan kung bakit kulay itim ito. The soil as well. It was dull brown.
Wala akong nakikitang mga halaman. There are some pero hindi ko alam kung anong uri ng plant species ang mga ito. The flowers were replaced with large thorns sprouting from the ground.
Mabuti nalang talaga at hindi kami bumagsak sa malalaking tinik.
Wala rin akong nakikitang mga puno. All I see is a land of thorns and huge boulders.
Nilingon ko si Kara. "Maybe we got it all wrong? Para kasi tayong nasa Underworld."
Hindi pa ako nakapunta sa Tartarus but something's telling me this place is right next to it. We're supposed to be in the future pero bakit ganito?
Everything is dark... to the point that Kara's shield isn't even glowing anymore. It isn't reflecting any light because there's no light to reflect.
"Dio.." tinignan ako ni Kara. "I think this is it."
Nagtaka ako sa sinabi niya. This is it? Nasa tamang lugar at panahon talaga kami?
"We are in the future." pagdeklara niya. There was no hint of doubt in her voice kaya alam kong seryoso siya.
"Why the hell does the world look like this then?"
Kara quickly pulled me to hide behind a huge rock. Nagtaka ako pero nawala rin ito nang makita ko ang iilang mga giants na nagpagala-gala sa harap namin. Nakita ko pa nga ang isa sa mga leviathans na nakalaban namin dati.
By now, gulong-gulo na talaga ako sa nangyayari.
Umikot ako para harapin si Kara. "May kutob talaga akong nagmalfunction yung portal natin... somehow."
BINABASA MO ANG
Song of The Rebellion
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan is not enough. From the ends of the world, our heroes will each have to use their unique abilities t...