Last Nerves

134K 7.2K 4.6K
                                    

Art's POV

Pagkatapos ng ilang oras ng paghihintay, sa wakas ay dumating na ang nymph!

"Hiii!!!" bati ko sa wood nymph pagpasok namin ng office.

Siya daw kasi yung nagma-manage ng nursing home na'to. Ang alam ko, isa siyang dryad. Ewan ko nga lang kung bakit siya napunta dito sa mortal realms.

"Take your seats, demigods." aniya at hinintay kaming lima na makaupo.

Ang ganda ng boses niya. Para bang hinahalikan ako ni Mother Nature kapag nagsasalita siya.

Pero kasi, bad si Mother Nature sa'min kaya wag nalang.

Tumigil ang mga niya sa'kin. "Artemia."

Nginitian ko siya.

Alam kong si Artemis ang paboritong deity ng mga nymphs na katulad niya. Eh syempre makikilala niya ako kasi anak ako ni Apollo, kakambal ni Artemis.

"So what brings you all here?" isa-isa niya kaming tinignan.

"We're looking for an oracle." pinakita ni Ria sa kanya ang picture ng oracle gamit ang phone niya.

Kumunot ang noo ng nymph habang maiging tinitignan ang larawan sa screen. "She seems unfamiliar to me. Do you have any information about her?"

"She's from Asclepeion." ani Ria.

Matagal-tagal ring nag isip-isip yung nymph. Sa huli, sinabi niyang wala pa ring nagc-click sa utak niya tungkol sa oracle na mula sa Asclepeion.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Yung boys kaya? May nakuha ba sila?

Napatingin ako sa cellphone ko at di maiwasang mapangiti. Naka 49 missed calls na kasi si Cal. Hindi ko pa sinasagot kasi di pa okay sina Kara at Dio ihh.

Supportive ako kaya paninindigan ko yung naging desisyon ko. Hmmp!

"Now that you've mentioned Asclepeion, you girls wanna know why I'm here managing a nursing home?"

Tumango-tango kami.

Oo nga. Isa siyang nymph. Dapat nasa mga mountains siya o di kaya sa mga gardens. Kapag nawalay kasi sila mula sa nature, magiging bad sila. Magiging polluted.

Lalo na pag dito sila titira sa syudad!

HALAAAA!!

"I'm here because I'm guarding a temple. A temple of Asclepius and his daughters." pagbibigay-alam niya.

Napatingin kaming lahat kay Thea kasi deity niya ang isang anak ni Asclepius, si Iaso.

Eh teka? Temple? Isa bang hidden temple ang nursing home na'to?

"It's underground so you can't see it." dagdag ng nymph.

Tumango-tango na naman ako. Kaya siguro nagawa niya manirahan na malayo sa ibang nymphs kasi ginawa siyang guardian ng temple.

"Can we visit it?" tanong ni Kara.

Umiling yung nymph bago sumagot. "Unfortunately, no one can. The entrance for the underground tunnels got covered with dirt. I don't know if there are any other entrances."

Hala. Paano yung temple? Hindi ba magagalit sina Asclepius dahil wala na itong maintenance?!

Omoooo!!!

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon