Chase's POV
Kararating lang namin dito at napagtanto kong ang ganda naman pala ng lugar na'to. Hindi ko nga lang napansin dati dahil sa dinami-rami ng nangyari.
Nakakamangha nga ang sunset dito oh. Parang nasa painting lang kami dahil sa magagandang kulay ng langit.
"We will leave at night." anunsyo ni Trev.
Nagsimula na kaming maghanap ng traces na pwede naming ibigay sa council. Nanghingi kasi sila ng remnants para daw masuri ito.
Alam naman nating lahat na tamad ang mga gagong yon kaya kami nalang ang ipinadala nila.
Napatigil ako sa harap ng sirang cage.
Ito yung cage kung saan kinulong ng mga giants si Ria.
Hmm. Hindi talaga ako nagkamaling sundan siya. At hanggang ngayon, sariwa pa rin ang mga ala-ala na nakasama ko si Ares.
"bro..." bulong ko sa sarili.
Alam kong galit si Ria sa mga gods. Talagang bumubukal ang dugo niya pagka deities na namin ang pinag-uusapan.
Wala akong ideya kung ano ang pakiramdam na mabuhay na hindi kilala ang deity.
Ako kasi, lumaki ako sa mortal realms na kasama si Hermes at kinilala siya bilang ama. Maaga ko ngang nalaman na isa pala siyang Greek God at hindi isang businessman na takas sa mental.
Kinuha ko ang screw na nakasabit sa dulo ng metal bar saka inilagay ito sa ziplock bag.
Tumabi sa'kin si Seht at gamit ang kanyang daliri, sinindihan niya ang cage.
"I knew it. This cage is fire-tolerant." aniya pagkatapos makitang nagliyab nga ito.
"Dito nila ikinulong si Ria dati." pagbibigay-alam ko sa kanya.
Akala ko talaga sa harap ko siya mawawalan ng hininga. Tanginang giants yon. Buti nalang naabutan ko pa siyang gumiginhawa kundi masisiraan ako ng bait.
"Yeah.. I saw what she looked like. Burns and wounds... everywhere." umiling-iling si Seht.
Kinuyom ko ang aking kamao.
Tsk.
Hinding-hindi ko hahayaang mangyari ulit yon.
"Nga pala bro.." napatingin ako kay Seht. "Balita ko may alam na kayo tungkol sa dalawang abilites mo?"
"Yeah..." sagot niya. "Matilda says that this dual-ability was made possible because the God Hephaestus, formulated the Elite and Seht imitators himself."
Napangiti ako saka tumango. "Mabuti naman at may impromasyon na kayo..."
Kakaiba rin ang demigod na'to. Pagkatapos malamang siya ang Seht, di siya nagdalawang-isip na panindigan ang pagiging protector of demigods niya.
Ayon kay Matilda, nalikha lang naman ang Elite at Seht para sa kanya pero hindi natuloy dahil nagalit si Zeus. Kaya tinulungan nalang ni Apollo si Hephaestus at ginawa siyang oracle ng Elsyium.
"The blueprints were burned by the council so that it'll be forgotten. They also placed a curse on it so... no one can become the imitator by accident too." dagdag niya.
Natawa ako.
Naalala ko kasing sinipsip ni Seht ang dugo ni Thea at wala pa siyang kaalam-alam noon na bahagi pala yon sa proseso para maging Seht imitator.
BINABASA MO ANG
Song of The Rebellion
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan is not enough. From the ends of the world, our heroes will each have to use their unique abilities t...