Chase's POV
Tinignan ko ang babaeng naglilinis ng kanyang weapon.
Nasa hotel kami. Oo. Yung hotel na ginamit namin sa huling misyon. Yung panahon na hindi kami pinapansin ng girls dahil sa away nina Dio at Kara.
Yung dahil sa drama nila, nagkaroon ng bagyo.
"Ngayon mo lang nilalabas yan ah." puna ko. "Ginagamit mo kasi palagi na espada ay yung nag-aapoy na paborito mo."
Sinamaan niya ako ng tingin. Napakaayos niyang sumagot ano?
Hindi ko alam kung ilang araw na kami dito sa mortal realms. Tapos ito pang kasama ko.
Minsan nakakausap ko pero minsan din, sinasaniban ni Eris dahil pinanlilisikan lang ako ng mata.
"May problema ka ba Ria? Parang ibang-iba ka ngayon ah." napatingin ako sa limang gallons ng ice cream na nasa paanan niya. Wala na itong mga laman.
"Pwede bang tumahimik ka muna? My Ares blood is tingling at baka mapatay kita jan." mariin niyang sagot.
Akala niya ata hindi ko alam. Nahihiya ba talaga siyang sabihin sa'kin ang nangyayari sa kanya?
Kahapon lang pumunta kami sa convenience store para bumili ng mga pagkain, nagtaka ako kasi pilit niyang tinatago ang isang pack ng pads.
Nagreklamo pa siya kasi andami ko daw biniling mga pagkain. Sinadya ko lang naman yon dahil alam kong siya ang uubos nito.
At tama nga naman ako.
Inubos ng babaeng yan LAHAT ng binili ko. Putcha mga tol. Pati mga wrappers nilamon niya!
"Why the fuck are you staring at me?" minura niya ako dahilan na mamuo ang isang ngiti sa aking labi. Nagdedebate ang utak ko kung masasaktan ba ako sa sinabi niya o magaganahan because damn.
Her voice sounded hot.
At the same time, ang cute dahil pulang-pula ang mukha niya.
"Pinagnanasaan mo ba ako sa maliit mong utak Chase?" itinaas niya ang kanyang weapon.
Hindi magiging Ria si Ria kung wala ang mga insulto niya lalo na sa'kin. Parang immune naman ako sa pananalita niya kaya't natatawa nalang ako palagi pag ginaganyan niya ako.
Sa totoo lang...
It's very entertaining.
Pakiramdam ko kasi ako lang ang taong kayang mahandle ang isang fireball na katulad niya.
"Fireball." natawa ako bigla sa naisip ko.
Fireball ba talaga? o firemonkey?
"Pinagsasabi mo?" itinaas niya ang kanyang gintong espada. Hindi naman ako kinilabutan dahil gustong-gusto ko talagang makita siya na may dalang weapon.
Lalo na pag nasa digmaan.
"Wala. Sabi ko ipagpatuloy mo lang yan." sagot ko.
Mag-aalay na talaga ako sa temple ni Ares araw-araw dahil binigyan kami ng pagkakataon na magkasama.
"Roadtrip tayo?" alok ko.
"What the- may time ka pa para mag road trip?!" kasunod na naglaho ang weapon sa kanyang kamay.
"Sa tingin ko kasi wala tayong maaaning clues kapag nandito lang tayo nagtatambay. Di mo ba naisip yon?" tumayo na ako.
Pinipigilan ko ang aking sarili na magmura. Baka sumabog ang babaeng to. Sa ngayon, chill lang. Pasalamat siya at ipinalaki akong thoughtful kaya wala muna siyang matatanggap na pang-aasar mula sa'kin.
BINABASA MO ANG
Song of The Rebellion
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan is not enough. From the ends of the world, our heroes will each have to use their unique abilities t...