8 : Dumbfounded

112K 4.7K 2.1K
                                    


Thank you po sa lahat ng mga pumunta sa event last Saturday! Thank you rin sa mga nakabili na ng "Stay Awake Agatha". From the bottom of my batang hamog heart, Thank you!


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


        "OH MY GOD!" Piper was shocked when she woke up and found herself in a room she doesn't recognize. Gulong-gulo ang buhok niya at napaksakit pa ng ulo niya. Litong-lito, ngunit mas nanaig ang kanyang takot. Paano kung nangyari na ang lagi niyang iniiwasan? Paano kung nangyari na ang matagal nang ikinababahala ng kanyang mga magulang? Has she been a victim of her own rebellion? she thinks to herself.

Takot man sa nangyayari, mabilis niyang tiningnan ang kanyang sarili at kahit papaano ay nakampante siya nang makitang suot-suot pa niya ang dress nang nakaraang gabi.

"Buti naman gising ka na!" 

Biglang narinig ni Piper ang boses ni Reika kaya mabilis siyang napalingon sa direksyon ng pinto. Nakita niya itong kakapasok lamang ng silid bitbit ang isang bote ng Sprite. 

"Anong nangyari?" naguguluhang sambit ni Piper gamit ang namamaos na boses. Napakabigat ng kanyang pakiramdam.

"Girl, you were deadass drunk last night. Don't you remember? You even threw up on me." Reika lied flawlessly in between her laughter. "Anyway, dinala nalang kita rito sa bahay kesa ba naman dun kita dalhin sa dorm. Kawawa naman si Braylee, birthday na birthday niya tapos mag-aalaga siya ng lasing eh lasing din 'yon." dagdag pa nito.

"Oh shit!" namilog ang mga mata ni Piper nang maalala ang kaibigang si Braylee. "Who's taking care of her? She's wasted for sure!"

"Chillax, Pie. Sumama ako sa paghatid kay Braylee sa dorm. Uuwi na sana ako kaso pinabalik ako ng kaibigan ko sa club kasi natagpuan ka raw na walang malay sa bathroom. Imbes na dalhin ka sa dorm, dito nalang kita sa bahay dinala." Pagsisinungaling muli ni Reika nang walang kahirap-hirap. "Anyway, you don't have to worry about Braylee. As much as I hate it, I'm pretty sure inalagaan siya ng baklitang si Riley." Pabirong bumusangot si Reika at pabagsak na nahiga sa tabi ni Piper. "Swerte ni Braylee, si my OTL pa talaga ang nag-alaga sa kanya."

"OTL?" natawa si Piper.

"One true love."  Kaswal na sagot ni Reika.

Napabuntong-hininga si Piper at pabirong hinampas ang kaibigan. "Give up on Riley, bakla na talaga siya. Wala nang pag-asa."

"Eh sa gusto ko siya eh. May magagawa ba ako?" natatawang sambit ni Reika habang nakatitig sa kisame.

"Yes?!" sarcastic na tugon ni Piper. "Reika you can try dating around. And how about that bestfriend of yours? Sawyer, right? Mukhang bagay kayo. Don't focus your attention to someone whose focus is on somebody else."

Natawa lalo si Reika dahil sa narinig. Tawang may halong uyam. "Look who's talking! I know you're in love with Warren pero hayun si Warren at kay Braylee nagpapapansin." 

Attack of the F*ckboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon