26 : Out of reach

70.6K 3.6K 2.3K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



        "But my phone!" 

        "Ako na ang hahanap,  balik muna tayo sa campsite. Magbihis ka. Ang baho mo na."

        "Kasalanan mo 'to, Apollo!"   

         "Ba't ako? Sinabihan nga kitang mag-ingat"

         "Ginulat mo ako!"

          "Just get on my back, Piper."

          "No! I smell like poop!"

            Panay ang pagbabangayan namin ni Apollo habang pabalik sa campsite. He's still not done laughing and he keeps on insisting to give me a piggyback ride—hello no! He might notice my heart beating fast because he's around.

            Mas nauuna ako sa paglalakad sa kanya. Di ko siya  nililingon kasi oras na makita ko ang mukha niyang natatawa, natatawa narin ako. Ayoko nang tumawa! Hiyang-hiya na ako!

          "Hey horse poop!" Humahagikgik niyang sambit.

           "Eh kung hagisan kaya kita ng horse poop?!" banta ko, diretso parin sa paglalakad at di siya nililingon. Nakakainis na talaga siya. Kanina pa niya ako tinutukso. Akala ko pa naman nagmamalasakit talaga.

           Nang makarating sa campsite, naabutan namin sina Braylee, Lucho, Warren, at Riley na naglalaro ng Uno at nagkakantyawan na. Napalingon silang apat sa direksyon namin at kitang-kita kong ngumisi ang damuhong si Warren pero di ko nalang pinansin.

         "Hmm!! Ang baho!"  Napasimangot si Riley at napatakip sa kanyang ilong. Actually, lahat sila'y nagsingiwi at mukha pang diring-diri dahil sa naaamoy nila. 

         Napatakip si Lucho sa ilong niya habang nakatingin sa amin. "Ano yun? Ba't biglang nag--"

        "Don't say it!" Banta ko kay Lucho at pinanlisikan siya ng tingin.

        "Amoy poopies!" Si Braylee na mismo ang tumapos at talagang isinigaw pa.

         "Oh shit!" Biglang humalakhak si Riley at tinuro ako. "What's that in your knees?"

          "Shiiiiiit!" Sigaw naman ni Lucho sabay turo sa akin.

           Mabilis nilang naintindihan ang nangyayari at sa isang iglap ay napuno ng tawanan ang buong campsite. Kahit si Apollo nagpatuloy ulit sa pagtawa, huminto lang siya nang nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

          Nang bahagyang humupa ang tawanan. Nakita kong nagtaas ng kamay si Braylee habang tumatawa.

          "Guys? Ba't nga ulit tayo tumatawa?"

Attack of the F*ckboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon