31 : That different side

68.8K 3.5K 2.8K
                                        


       

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

       

       "I'm home!" Anunsyo ng dalagang si Joe sa pagpasok niya sa kanilang mansyon. Agad siyang sinalubong ng kanyang yaya na agad kumuha ng kanyang mga dalang gamit pang-eskwela. 

         "Yaya, pupunta ako ngayon sa amusement park. Is Mom and Dad home?" Tanong ng dalaga, bakas ang saya sa  mukha. Ngunit agad itong naglaho nang mapansin niya ang balisang hitsura ng Yaya. "Yaya, did something happen?"

          "Naku, Baby girl. Nag-away na naman ang Papa at Kuya mo. Mukhang malala." Hindi na nagulat pa si Joe dahil sa narinig. Napabuntong-hininga siya at napahawak sa noo. Sa isipan ni  Joe, alam na niya ang maaaring dahilan.

          "Yaya, tungkol saan?"

          "Baby girl, hindi ako tsismosa ah? Narinig ko lang." Paninimula nito. "May investor daw kasi na nawala kasi ginawan ni Kuya mo ng kasalanan yung anak. Umalis sina Ma'am at sir, pupuntahan daw yung kliyenteng nagawan ng kasalanan ng kuya mo at susubukang kaibiganin ulit."

         "I knew it." Napabuntong-hininga na lamang si Joe. "Where's Kuya?"

         "Andun sa kwarto niya. Hayaan mo muna si Kuya mo, galit na galit yun ngayon. Sinuspende kasi siya ng Daddy mo dun sa bar niyo. Hindi na raw muna siya ang mamamahala sa bar niyo. Nagalit talaga si Ma'am at Sir, mukhang mahalagang kliyente yung nawala dahil sa kuya mo."

          Imbes na sundin ang payo ng Yaya, dali-dali niyang tinungo ang silid ng kapatid. Ni hindi na siya kumatok pa, binuksan niya ang pinto at naabutan ang kapatid na walang saplot pang-itaas, nakapantalon, at naninigarilyo habang nakaupo sa dulo ng silid, nakatingin sa kawalan at nakatiim ang bagang.

          "At least open a window! You'll suffocate over the smoke!" Punong-puno ng iritasyon si Joe. Mabilis niyang binuksan ang binatana nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kapatid.

         "Get the hell out of my room, Joe." Walang kaemo-emosyong sambit ni Cohen kaya mapaklang napangiti si Joe.

         "What are you planning?" Wika ni Joe habang nakatukod ang dalawang palad sa haligi ng bintana at nakatitig sa hardin na nasa baba. "Don't tell me you're planning something to get back at her? May I remind you that what happened last night was--"

          "She's gonna get it Joe. She messed with the wrong person. I lost the bar because of her. If I fooled her once, I surely can fool her twice. Its gonna be such a shame for her." Bakas ang pait sa bawat salitang binibitawan ni Cohen. Dama ito ni Joe... dama niyang tunay nang nasagad ang pasensya ng kapatid.

           "Kuya, would you please stop it! You'll get the bar back in no time so stop this nonsense vengeance of yours! Baka mamaya kung ano pang maging resulta nitong ginagawa mo. Worst case scenario, one of you gets hospitalized or jailed. Come on Kuya, you can't blame her if she tattled! You were such a jerk to her and---

Attack of the F*ckboysMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon