66 : The End

82.3K 4.6K 13.7K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


APOLLO


        Pumalpak ang plano. Akala ko may paraan pa para may mabawi ko siya. Akala ko may pag-asa pa akong maitama ang lahat sa paraang hindi siya maiipit sa sitwasyon, pero huli na. Pumalpak na naman ako. Sana sa simula palang nagsabi na ako ng totoo. Sana hindi ako bumitiw. Sana hindi ako nagpauto. Sana naging tuso nalang ako sa laro ni Cohen.

       Natagpuan ko ang sarili kong papasok sa isang maliit na bar suot ang duguan kong tuxedo. Hindi gaya ng bar sa filimon heights, iilan lang ang mga narito at karamihan ay mga matatanda. Wala akong pakialam sa mga kakaibang tingin nila, wala na akong ibang naiisip na gawin para pansamantalang mawala ang sobrang sakit na nararamdaman ko. Kasi tangina, kasalanan ko naman ang lahat.

       Marahas kong hinila ang bow tie sa leeg ko upang matanggal ito at hinila ko rin ang dalawang unang butones sa polong suot ko nang kahit papano ay mas makahinga man lang.

      "Looks like someone's having a bad day. What's your order?" Tanong sa akin ng babaeng bartender na parang ilang taon lang na mas bata kesa sa akin.

       "Just keep the beer coming." Tipid kong sambit at naupo sa harap mismo ng bar counter.

       Mabilis kong naubos ang unang bote ng maliit na beer na ibinigay sa akin. Ni hindi ko nga namalayan ang lasa, at mas lalong hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Tangina, kasalanan ko rin naman. 

       "Hey, at least wipe the blood on your face. Sino ba kasing bumugbog sa'yo?" Tanong muli ng barmaid pero di ako kumibo at ininom lang ang pangalawang bote na inilapag niya sa harapan ko.

       "Saan ka galing? Kasal o libing?" Tanong niya kaya natawa nalang ako at nilaklak ang pangalawang bote na binigay niya. 

        Kasal para sa kanila, libing para sa akin.

       "Mukhang ayaw mong mag-kwento ah?" Kumuha siya ng upuan at sa tapat ko pa pumwesto. Naalala ko sa kanya si Braylee, kung makangiti parang walang kaproble-problema sa mundo.

       "Anyway, can I ask you a question?" tanong niya sabay lapag ng isa pang bote sa harap ko.

       Hindi ako kumibo, sa halip uminom lang ako nang uminom. Hanggang sa padabog kong naibagsak ang bote sa mesa.

        "If you could turn back time, what would you do?" tanong niya na para bang interesadong-interesado. 

         Sa isang iglap biglang bumalik ang lahat ng nangyari nang gabing nagawa kong magpakilala kay Piper and makausap siya nang harapan bilang ako, hindi bilang isang prankster na gusto siyang pag-tripan o empleyadong lagi niyang tinutulungan.

Attack of the F*ckboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon