21 : Triggered

64.5K 3.7K 1.5K
                                        


  

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  

    "What the fuck?!" Gulat na bulalas ni Cohen habang sapo ang mukha, nagdurugo ang labi. Nakaupo siya sa lupa habang nakatingala kay Apollo. Nagulat si Cohen dahil sa biglang pagsuntok ni Apollo sa kanya, pero mas nagulat siya dahil sa galit na pinapakita nito. Galit na ni minsan ay hindi niya pa nakikita mula sa kaibigan.

    "That's for Piper!" Nagngitngitngit na sambit ni Apollo habang naka-igting ang panga at tila ba nilukob na nang matinding galit.

     "Ano na namang ginawa ko?!" Naguguluhang bulyaw ni Cohen at napataas sa kanyang mga palad na nakalahad. 

     Marahas ang bawat hininga ni Apollo tanda ng galit nitong hindi humuhupa. "Piper had two sisters and both of them died! Her youngest sister died from cerebral palsy complications and her eldest sister committed suicide! Do you have any--"

       "Teka! Pucha naman! Ba't ko naging kasalanan yon! Ako ba ang pumatay sa kanila?!" May sarkasmo sa boses ni Cohen dahilan para mas lalo pang sumiklab ang galit ni Apollo.

        Akmang susugurin muli ni Apollo si Cohen nang bigla na lamang humarang at yumakap sa kanya ang isang babaeng nakasuot pa ng pajama at may hawak na stuffed toy, pilit siyang pinapaatras palayo kay Cohen. "Kuya Pol Calm down, Calm down. We all know my brother is a jerk stop it now." 

        "Joanna!" Galit pag-angal ni Cohen dahil sa sinabi ng kapatid pero hindi siya nito pinansin.

        "Calm down. We'll talk about it. Don't listen to Kuya. Let's talk this out." May lambing sa tinig ni Joanna habang patuloy parin na tinutulak ang galit na galit na si Apollo. Napabuntong-hininga na lamang si Cohen at bumangon saka pumasok sa kanilang mansyon.


****


        Panay ang pag-igik ni Cohen habang nilalapitan ng kanyang ina ng paunang lunas ang kanyang sugat sa gilid ng labi. Pilit niyang nilalayo ang mukha ngunit marahas ang hawak nito sa kanyang panga.

       "Stay still, Lorenzo." Di gaya niya, kalmado lamang ang kanyang ina habang nakatuon ang buong atensyon sa panggagamot sa anak.  

       "What did you do to Apollo?" Matamang sambit ng kanyang ama habang sumisimsim ng kape.  Madaling araw na pero heto ang mag-anak at sa malaking mesa sa kusina, animo'y nagkakaroon ng isang emergency family.

      "Ako?! Eh ako 'tong biktima! Nabasa ko sa groupchat na may masamang nangyari sa motor ko kaya tinawagan ko siya tapos pumunta siya rito  at sinuntok ako bigla--aray!" Napaigik muli si Cohen nang diniinan pa ng kanyang ina ang bulak na dinadampi sa kanyang sugat.

       "Son, you've been friends with Apollo since you were in grade school. We know that boy. He wouldn't punch you if you didn't do anything stupid. And we know you, you surely did something stupid." Sumisim ang ama ng kape, animoy nababagot. Ibinaba niya ito at napatingin sa kanyang panganay na anak. "What is it this time?"

Attack of the F*ckboysMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon